ANDREW DE REAL, NAGPALIWANAG KAY JOBERT SUCALDITO

NOONG LINGGO, PAGKATAPOS ng Paparazzi, inilipat namin kaagad sa Showbiz Central ang aming

panonood, inaabangan namin talaga ang sasabihin ni John Lapus laban kay Jobert Sucaldito.

Maanghang ang mga binitawang salita ni Sweet laban kay Jobert at balak talaga nitong idemanda ang kolumnista. Lumabas din sa VTR ng SC sina Philip Lazaro at Andrew de Real at ikinuwento kung ano ang kanilang naalala sa insidenteng umano’y nangyari nu’ng Valentine’s Day kunsaan may hindi raw magandang namagitan kay Sweet at sa isang lalaki na naging subject ng kolum ni Jobert sa isang pahayagan.

Nasaktan si Jobert bilang kaibigan sa paglabas nina Mamu Andrew at Philip dahil mga kaibigan din niya ang mga ito, kaya nag-post ang kolumnista sa kanyang Facebook account ng pagtatampo sa dalawa. Pero kahapon, sa isang private message sa Facebook pa rin, nagpaliwanag na si Mamu kay Jobert at nabigyan naman tayo ng pahintulot mula sa kanila na i-publish natin ang naturang message in full.

From Andrew de Real: “i listened to your radio program, just like i always do because i love hearing your laughter, points of views, blind items, mga pagbati etc. hindi nga lang ako nag text ng magandang hapon kase i know may tampo ka pa. honestly, i admire how you tackle the issue punto por punto, klaro walang masyadong character assasination. very jobert.

“na-sad lang kame ni philip, nadadamay kame… when showbiz central called me, kung puwede ma interview ang tanong ko “regarding what? “ ang sagot “ kung nagwala ba si john lapus sa library? Sumagot ako “ ha? kelan? simply because di ko matandaan na may ganung incident. dumating sila, nagtanong at sinagot lang namin. kung anu lang talaga ang nangyari that nite. nag-numan, pinag usapan love life, since it’s valentine, nag cheers.

“nag umpisa mag biruan, in fact if it’s really recorded ako ang unang subject ng joke about my colorful lovelife. umikot ang biruan hangang sa napunta kay kiko, ‘jowa ka raw ni shalala?’ siyempre nagtawanan lahat. siya ang naging subject, sumagot pa ko ng ‘eh ano naman kung jowa ka ni shalala, mabait kaya yun at generous pa’ tawanan pa din. si kiko ang naging center of attraction or spice of the conversation at one seat apart lang kame. wala naman akong nakitang commotion or any untoward incident that time. in fact, when they left bumeso pa sa lahat, nag thank you and we all say take care and happy hearts day. ganun lang kasimple.

“kung napikon si kiko, di ko naramdaman and i know kiko because he frequents the library at para na ding kapamilya. According to ace, pamangkin ni john, nag inuman pa daw sila bahay at yun pa din topic. Siguro dun na nag trigger. pero sa bar, wala kase akong naramdaman otherwise, bka napauwi ko ulit lahat ng me kasamang sermon. pagkaalis nila, tuloy pa rin ang cheers at sa iba naman nalipat ang joke about lovelife, relationship, fling hada etc. it was a happy mode hanggang sa mag uwian lahat ng 5am.

“hindi namin kinakampihan si sweet jobert, simpleng tanong, simple din ang sagot. kase pag me mga time na makukulit na sila pag inuman, pinapauwi ko lahat. at alam nila yun. in fact, bumalik pa si kiko nung set nila rowell at tinawag ko pa siyang mr. shalala. sumagot siya ng ‘di totoo yun mamu’, sinagot ko ng ‘eto naman joke lang siniseryoso, siyempre di ako nainiwala’. and i said, ang saya nung gabi na yun, ang kukulit lahat.

“again, walang kampihan na nangyari, edited pa yung interview. tinanong ako ‘kaibigan mo ba si jobert. i said yes and he frequents the library, ganun din sagot ni philip. and i know that you know, how i admire you at may mga drinking/bonding moments na din tayo na usapang baklaan na atin atin lang din. at lage kong binibilin kina lobo na kapag andun ka, bantayan, tingnan ang mga gamit at baka ma lost dahil nakainom.

“we even talked to sweet, yang interview na yan lang ang kaya naming ibigay, kung saan man ito patungo buhay mo na yan. simply because we don’t want to be caught in the middle of two people na malapit sa amin.

“a lot of friends texted me regarding your post but i never reacted because alam ko na may tampo ka sa amin ni philip and you don’t really mean those words.

“i hope naliwanagan ka na kahit paano sa aming dalawa ni philip that it was just a simple interview na sinagot lang din namin ng simple at di namin kinakampihan si sweet.

“alam ko matatapos din ang issue na to, pero sana hindi kasabay matapos ang ating magandang samahan.

“always in all ways.”

At dahil sa kakapusan ng espasyo, sa biyernes naman natin isusulat, ang sagot ni Jobert sa mahabang mensahe ni Mamu Andrew.

NOONG LINGGO, PAGKATAPOS ng Paparazzi, inilipat namin kaagad sa Showbiz Central ang aming

Sure na ‘to

By Arniel Serato

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.