Andrea Torres: Kapuso Rising Star!

ANG SANA Ay Ikaw Na Nga ang isa sa mga teleserye ng Kapuso Network na minahal ng masa mahigit sampung taon na ang nakararaan. Sa programang ito, minahal ng televiewers ang tambalan nina Dingdong Dantes at Tanya Garcia. Aminado ako na sinubaybayan ko ang seryeng ito kahit pa halos dalawang taon ang itinagal nito sa ere.

Samu’t saring emosyon ang naramdaman ko nang malaman ko na ire-remake ng GMA-7 ang naturang obra. Natakot ako dahil hindi ko masyadong nagustuhan ang outcome ng Ikaw Lang Ang Mamahalin remake. Sobrang bata pa nina Barbie Forteza at Joyce Ching para gumanap sa papel nina Katherine at Clarissa. Mahirap ding gampanan ang dual role na Cecilia/Olga. Maliban sa acting talent, dapat ay may pagka-sensual ang artistang babaeng mapipili rito.

Hindi ako pamilyar sa mga nakaraang proyekto ni Andrea Torres, pero siya ang napili para humalili sa papel na ginampanan noon ni Tanya Garcia. May ibubuga naman sa aktingan si Mikael Daez kaya hindi ko kinuwestyun ang pagkakapili sa kanya bilang Carlos Miguel, ang karakter na nag-elevate kay Dingdong Dantes bilang primetime leading man.

Si Andrea Torres ay nag-umpisa sa bakuran ng Dos bilang teen star sa pamamagitan ng programang Qpids. Kapares niya noon si Dominic Roco. Kalauna’y lumipat ito sa Kapuso Network at naging host ng Ka-Blog, isang youth-oriented magazine show. Dahil hindi naman hectic ang kanyang showbiz schedule, itinuloy nito ang pag-aaral ng Communication Arts sa UST.

Sumigla muli ang karera ng dalaga nang mapasabak ito sa mga pelikula tulad ng You To Me Are Everything at Shake Rattle and Roll X. Sa telebisyon naman ay ipinasok ito ng Siyete bilang support sa Blusang Itim at My Beloved. Nakitaan ito ng network executives ng potensiyal at sa totoo lang, may hawig talaga sila ni Tanya Garcia, huh!

Habang tumatagal ay lalong dumarami ang humahanga sa bagong afternoon princess ng GMA-7. Marami rin ang nagsasabi na may ibubuga naman talaga sa aktingan ang aktres. May mga nagre-request pa nga na mag-pose ito sa sexy magazines, eh!

Lalong gumaganda ang istorya ng Sana Ay Ikaw Na Nga. Kitang-kita ang determinasyon ng Kapuso talent na tumagal sa industrya. Ipagpatuloy mo lang ‘yan, Andrea! Keep it up!

Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.