Andrea Torres, hindi dapat problemahin: Dingdong Dantes, solid pa rin kay Marian Rivera!

Andrea Torres and Dingdong Dantes

MATINDI ang inilaan ni Dingdong Dantes na effort sa dating serye niya na  “Alyas Robinhood” na nagbabalik muli sa ere sa darating na Monday, August 14 sa primetime ng GMA Kapuso Network.

 
Mas matindi ang mga actions scenes na ginawa ng aktor sa muli niyang pagsabak sa primetime bilang Pepe de Jesus. This time sa “Ang Pagbabalik ni Alyas Robinhood”, he plays a lawyer na matulungin sa mga maliliit na tao na nangangailangan ng kanyang serbisyo.
 
 
Kumbaga, pang-pro bono ang serbisyo niya as a lawyer na malapit ang kanyang karakter sa mga inaapi at sa mga nangangailangan na lingid sa kaalaman ng mga kapitbahay nila, siya pala si “Robinhood” ng kanilang komunidad.
 
Sa “Ang Pagbabalik ni Alyas Robinhood” mas malaki ang mga eksena lalo na ang mga action scenes na may mga bagong “kontrabida” sa buhay ni Pepe (aka Robinhood) na kinabinilangan nina Edu Manzano at Jay Manalo.
 
 
Medyo matagal-tagal din hindi napanood sa teleserye ang mister ni Marian Rivera, na ayon sa kampuhan ng tsismisan, ang leading lady ni Dingdong na si Andrea Torres who plays the role of Venus (love interest ni Pepe) ay may kuwentong alitan pala ang dalawa.
 
RiSa serye syempre, may kissing or romantic scenes sila ni Andrea at hindi ito maiiwasan sa kuwento. For sure, isyu ito sa kanila ng misis na ang balita ay may “selos” factor ang asawa sa kanyang leading lady.
 

May sagot ang aktor sa isyu. “Both have already clarified na hindi totoo yan. Nalinaw na nilang mabuti, so sana tigilan na nila,” paunang paliwanag niya.
 
Ayon kay Dingdong, huwag bigyan ng ibang kulay o malisya ang closeness nila ni Andrea.
 
“Syempre, we play as romantic partners at ginagawa lang namin ni Andrea ang trabaho namin so yung mga taong nang-iintriga, huwag na nilang lagyan ng malisya ang pagtatrabaho namin together because we’re just playing our roles at gusto lang namin ma-entertain ang viewers.”
 
Dagdag pa ng aktor na huwag sana i-involve ang mga intriga sa mga ang personal lives nila.   
 
Sa serye, bukod sa mga nabangit na mga artista ay kasama din sina
Ruru Madrid, Solenn Heussaff, Lindsay de Vera, Dave Bornea, Rob Moya at si Jaclyn Jose mula sa direksyon ni Dominic Zapata.

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.