Andrea Torres, handa nang magpaka-daring

Andrea-TorresUNANG NAKILALA si Andrea Torres as a commercial model at bilang host ng programa may limang taon na ang nakararaan. Nasubukan ang kanyang acting instinct sa Blusang Itim at sa My Beloved. Nakita ng Kapuso management ang kanyang potential sa pag-arte kung kaya’t nabigyan siya ng breakm, ang mag-leading role sa teleserye na Sana Ay Ikaw Na Nga, ka-loveteam si Mikael Daez.

Nagkasunud-sunod na ang kanyang mga projects at guestings, hanggang mapasama na rin siya sa pelikula ng GMA Films na You to Me Are Everything na pinagbidahan nina Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Sa ngayon ay patuloy pa ring umeere sa mataas nitong rating, at matatapos na rin sa February, ang teleseryeng Ang Lihim ni Annasandra, sa kanila pa ring tambalan ni Mikael.

Isa na rin sa mga naregular na casts ng Bubble Gang si Andrea simula nang nawala na ang ibang mga original na members dito, at isa na rin siya sa members ng sexy dancers na Bubble Shakers. Dito ay maraming nakapansin ng kanyang kaseksihan at isa na nga rito ang FHM.

Inalok siya rito na mag-pose at maging cover ng magasin. Sa simula ay tumanggi siya at sinabing hindi pa siya handa sa ganoong project. May katagalan din bago siya napapayag, dahil na rin daw sa kanyang curiousity. Nang kanya nang maranasan ay nag-enjoy raw siya at lalo pa raw niyang pinagbuti ang pagpo-pose at okay lang daw sa kanya kung ano ang ipagawa basta hindi malaswa at para na rin sa professionalism ng kanyang career.

“Masaya po pala. Dapat pala noon ko pa tinanggap ang offer. May liimitasyon naman kung hanggang saan ako magpapaka-daring,” aniya.

Certified FHM model na nga siya at nito lamang nakaraang December lumabas ang isyu ng magasin na siya ang cover. Handa na rin umano siyang rumampa para sa taunang event ng magasin para sa 100 sexiest women.

Ni Marialuz Candaba

Previous articleRampa ng Sexy Moms
Next articleNiño Muhlach, willing maging alalay ng anak na si Alonzo Muhlach

No posts to display