Andrea del Rosario, tikom ang bibig sa ama ng ipinagbubuntis?! – Gorgy’s Park

ISYUNG KRIS AQUINO at James Yap pa rin ang mainit na pinag-uusapan sa ngayon at ang dami nang nagbibigay ng kanilang opinyon tungkol dito.

Pagkatapos magsalita ni Kris sa The Buzz, maraming mga kumampi sa kontrobersiyal na actress/TV host dahil naintindihan daw nila ang kalagayan nito na nais lamang niyang ipaglaban ang kanyang karapatan bilang asawa.

Ngayon ay patuloy pa rin kaming nangangalap ng ilan pang sidelights sa mga pangyayari.

Since pansamantalang magkahiwalay ang mag-asawa, may nagkuwento sa aming nagpapahanap na raw ngayon ng condo unit si James dahil mukhang matutuluyan na raw ang hiwalayan nila.

May ilang taong malapit kay James na nahihingahan daw nito ng sama ng loob at hindi lang daw itong insidenteng panunugod ang ikinasama ng loob niya kundi marami.

Kung ano man ‘yun, mabuting hintayin na lang natin na manggaling ito sa kontrobersiyal ding basketbolista.

Ilang beses namang sinasabi ni Kris na ginagawan pa rin niya ng paraang masalba ang kanilang pagsasama kaya baka maayos pa naman at malagpasan ito ng mag-asawa.

Bilang isa sa tagasubaybay at may concern naman kay Kris, hangad kong maayos nila ito at sana hindi na maulit ang ganitong eskandalo dahil hindi naman sila ang lubusang maapektuhan dito kundi ang dalawang-taong anak nila na si Baby James.

KINUMPIRMA NA NGA ni Andrea del Rosario sa Startalk na apat na buwang buntis na siya at naibulong nga niya sa amin na baby girl ang dinadala niya pero hindi pa raw siya sure na sure. Baka sa susunod daw na check-up nito, matiyak na niya talaga na girl ang dinadala nito.

Ang iniiwasan lang ni Andrea na mapag-usapan ay ang ama ng kanyang ipinagbubuntis. Hindi naman daw ito showbiz at very private daw ‘yung tao kaya huwag na lang daw.

Pero narinig naming kaya ayaw sabihin ni Andrea kung sino ang nakabuntis sa kanya, dahil hiwalay raw ito sa asawa kaya baka magkaproblema lang.

Walang sagot si Andrea tungkol dito, basta ang mahalaga, suportado naman daw siya ng karelasyon niya at dinig ko ibinili na ito ng lupa’t bahay sa isang kilalang village sa Quezon City.

Ang mahalaga naman daw kay Andrea ay malapit na siyang maging ina kaya huwag raw kalkalin sa kanya kung sino ang Daddy. Basta masaya raw siya ngayon at mas focused daw siya sa paghahanda sa kanyang panganganak.

Bukod kay Andrea, may tatlo pang kasamahan nito sa Viva Hotbabes na kumpirmadong nagdadalang-tao na rin. Nasa ibang bansa sila ngayon, pero babalik daw.

Abangan nyo ‘yan sa Startalk dahil nangako silang pagbabalik nila galing sa ibang bansa ay lalantad naman sila dahil proud silang aminin ito sa publiko.

By Gorgy’s Park

loading...

3 thoughts on “Andrea del Rosario, tikom ang bibig sa ama ng ipinagbubuntis?! – Gorgy’s Park

    • si kris pa, galing na sa kanya na tinawagan na sya ni james na wag nang gaanong mag salita on national tv kaya lang nagsalita pa rin. yan ba ang ginawa na nya ang lahat para isalba ang marriage nila, ewessss ibebenta lahat ni kris pati kaluluwa nya mapag usapan lang yung marurumi nilang baho kapalit ng konting glitter and fame.

Leave a Reply

Your email address will not be published.