Andrea del Rosario, 4-buwang buntis! – Mell Navarro

KUMPIRMADONG BUNTIS ANG dating sexy actress na si Andrea del Rosario. Yep, four months preggy si Andrea, by her non-showbiz boyfriend na hindi pa namin nakukuha ang pangalan as of press time.

Ayon sa isang malapit kay Andrea, respetuhin daw sana natin kung ayaw ipa-mention ng morenang aktres ang name ng soon-to-be-father ng dinadala nitong sanggol sa kanyang sinapupunan, dahil hindi naman daw ito from showbiz.

Kaso lang, akala nami’y nagli-live in na sina Andrea at ang boyfriend nito, pero wiz. As in, hindi nagsasama ang dalawa sa iisang bahay. Kung ano’ng dahilan, eh, wala pang makapagsasabi sa ngayon.

Viva Artists Agency ang managerial company na kinabibilangan ni Andrea, kung saan talents din sina Anne Curtis, Sarah Geronimo, Carlo Aquino, Mark Bautista, etc.
Suportado pa rin ng VAA si Andrea sa personal na pakikipaglaban nito sa buhay. Nanghihinayang lang ang kanyang handlers na kinailangan nilang i-turn down ang isang magandang role ng isang GMA-7 teleserye na pinagbibidahan ni Jennylyn Mercado.

Dahil sa pagbubuntis na ito ni Andrea, may pending videos rin siyang nabitin, pero naiintindihan ito ng kanyang handlers. In the meantime, busy si Andrea sa pamamahala ng dalawa nitong restaurants and at the same time ay nag-aaral ito ng kursong Business Enterprenuership sa Ateneo de Manila University lang naman. Ito ang matagal na niyang pangarap.

Bagets pa lang nu’ng magsimula si Andrea sa Star Circle ng ABS-CBN, bago naging Viva talent. Nag-grow naman ito as a dependable actress.  Ang mahalaga sa ngayon, itinuturing nitong blessing ang baby na dinadala niya.
PARANG HINDI RIN nahintong mapanood ng televiewers sina Gabby Concepcion and Albert Martinez sa ABS-CBN Primetime Bida dahil one after another ang pag-apir nila sa teleseryes, na bihirang mangyari sa mga artista natin sa ngayon.

Usually, may pahinga o “break” na ibinibigay ang Kapamilya sa kanilang stars, pero ibahin natin ang kapalaran nina Albert at Gabby, both successful in their showbiz comebacks na kapwa galing USA, si Albert noon, at si Gabby ngayon.

Kamamatay lang ng mayor character ni Albert sa May Bukas Pa, heto’t kasama siya sa Kung Tayo’y Magkakalayo. Katatapos din lang last Friday ng Dahil May Isang Ikaw ni Gabo, pasok na naman siya sa same new serye starting tonight (Jan 18), dalawang lalaki sa buhay ng character ni Kris Aquino.

Para bang walang karapatang magpahinga sa pagtatrabaho on TV sina Gabby and Albert, and personally, we’re happy for them dahil mga crush-crushan namin sila nu’ng kabataan namin. Hahaha. Kilig pa kami noong napa-partner sila kay Snooky Serna.

Marunong ding magpahalaga ng tunay na star quality actors ang Dos, na in our list, sina Gabby at Albert ay dalawa sa most handsome actors for us. Dekada Nubenta pa nu’ng isulat namin ‘yon sa aming defunct magazine column (kahit wala sa ‘Pinas that time si Gabby, huh!).

And we’re just as happy now na magkasama ang dalawang guwapo-pa-ring 40-ish actors in Kung Tayo’y Magkakalayo, also with Gerald Anderson at Kim Chiu.
KALUNGKOT NAMAN AT nag-chugi sina Princess Snell and Piero Vergara sa StarStruck V ng Kapuso. Sila pa man din ang may pinakamagagandang mga mukha para sa amin, especially Princess. Second lang, for us, si Sarah Lahbati. Si Piero, lume-level sa kaguwapuhan nina Ian Batherson at Rocco Nacino.

Ang criteria ay 60% ang boto ng taumbayan, 20% sa StarStruck council, at 20% among the survivors. ‘Yung last 20%, hindi malayong magka-personalan, ‘di ba?
Kung may “attitude” man ang isang upcoming star, puwede naming patinuin ang mga ito in the future, ‘di ba? Pero ang “face value”, forever na ‘yan. Kumpara sa ibang mga natira, ‘di hamak na mas guwapo si Piero at mas maganda si Princess, both star potentials, huh!

Mellow Thoughts
by Mell Navarro

loading...

5 thoughts on “Andrea del Rosario, 4-buwang buntis! – Mell Navarro

  1. sana hindi 22o na may asawa yun bf ni andrea, sayang naman maganda cia tapos may aral pa if may sabit yun bf nia hindi ba? kawawa din yun bata anak sa labas pero sana talga tsismis lang yun AB na congressman na negosyante.

  2. Ba’t di gayahin ang GMA na pabalik-balik ang mga artista? As in pabalik-balik na pabalik-balik na pabalik-balik na pabalik-balik na pabalik-balik na pabalik-balik na pabalik-balik na pabalik-balik na pabalik-balik na pabalik-balik na pabalik-balik na pabalik-balik na pabalik-balik na pabalik-balik na pabalik-balik na pabalik-balik na pabalik-balik na pabalik-balik na pabalik-balik na pabalik-balik na pabalik-balik na pabalik-balik na pabalik-balik na pabalik-balik na pabalik-balik na pabalik-balik na pabalik-balik na pabalik-balik na pabalik-balik na pabalik-balik na pabalik-balik na pabalik-balik na pabalik-balik na pabalik-balik na pabalik-balik na pabalik-balik na pabalik-balik na pabalik-balik na pabalik-balik! lolz

  3. kapamilya ako pero halatang-halata naman na may favoritism sila. Pag malakas ang artista sa kanila ay sunod-sunod ang mga projects pero pag hindi ay pasensyahan na lang.

  4. dapat yan sa susunod kung mag search pa sila kung meron pa… sabihin nila na dapat plain tagalog lang sila at dialect na puwede nilang gamitin.. what the used of yang ginagawa nilang search outside pilipinas kung ididiscriminate nila ang mga kinuhang english spokening?

    well si piero nga comparing naman kay rocco mas may appeal sya para syang si kevin bacon marunong sa musikal inst. at kumanta’t sumayaw.

    ipinapako na nila ang kanilang papanalunin na si rocco ayaw nilang mag tuklas ng bagong mukha na puwedeng ilaban sa international scene.

Leave a Reply

Your email address will not be published.