Andre Yllana, ikinakampanya sa Zambales ang boyfriend ni Aiko Melendez

Andrei Yllana and Mayor Jay Khonghun

KUSANG LOOB na inendorso ni Andre Yllana, anak ni Aiko Melendez kay Jomari Yllana, ang boyfriend ng ina na si Mayor Jay Khonghun na tumatakbong vice governor sa Zambales.

Kuwento ni Aiko, “Andre Yllana campaigning for his tito Jay Khonghun and Gov Jun Ebdane, that’s how close they are. So genuine. Walang pilitan kusa ni Andre to endorse him for Vice Governor.”

Nakatakda ring mag-house to house campaign si Andre sa ilang lugar sa Zambales para matulungan si Jay.

20 anyos na si Andre at botante na rin, hindi nga lang sa Zambales, pero ikinagalak daw niyang maglaan ng oras para sa boyfriend ng ina.

Samantala, ikinatuwa naman ni Aiko na naging positibo ang resulta ng kanyang Facebook live kung saan isa-isa niyang binanatan ang kalaban ni Mayor Jay. Mas lalo pa siyang nakakuha ng simpatiya mula sa mga taga-Zambales.

“I really appreciate the love, concern. Ang dami dami pala nagmamahal sa akin,” sey pa ng award-winning actress.

 

La Boka
by Leo Bukas

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.