Andre Paras & Yassi Pressman: Sweet as Cupcake!

Andre-Pares-Yassi-PressmanANDRE PARAS
Real Name: Andre Alonzo Paras
Birthdate: November 1, 1995
Zodiac Sign: Scorpio

YASSI PRESSMAN
Real Name: Yasmin Isabel Pressman
Birthdate: May 17, 1994
Zodiac Sign: Taurus

MALIBAN SA tambalan nina James Reid at Nadine Lustre, kinilig din ang mga fans sa lovestory nina Chad at Lory sa ‘Diary ng Panget’, na ginagampanan nina Andre Paras at Yassi Pressman.

Mega-push talaga ang Viva sa kanilang mga alaga, ha? Maliban sa pelikula, ang apat na bagets din ang umawit para sa Official Movie Soundtrack. Nakakatuwa ang dance-rap duet nina Andre at Yassi entitled ‘Di Ko Alam’. Sila rin ang dalawa sa apat na bagong VJs ng MTV Pilipinas.

Kilig. Tsek. Sa totoong buhay kaya ay maging sweet as cupcake din ang kalalabasan ng pagsasamang ito?

Malakas ang attraction sa pagitan ng Scorpio at Taurus. Medyo challenge lang para sa dalawa in terms of intellectual level dahil magkaiba sila ng istilo sa pakikipag-usap. Kung malagpasan nila ito, masasabi na ang love match nila ang isa sa pinakamagandang tambalan sa zodiac in terms of compatibility. Pareho silang may pagka-possessive, pero mas seloso ang Scorpio. Magde-demand ito ng bonggang emotional attachment sa Taurus, na maaaring pagsimulan ng ‘di pagkakaintindihan.

Sa totoo lang, parehong matigas ang ulo ng dalawa, huh! Trip nila na sila palagi ang nasusunod. Dahil dito, kailangan nilang matutong mag-compromise sa isa’t isa. Kung minsan ay hirap nilang i-express ang kanilang nararamdaman kaya napu-frustrate sila. Kahit natural sa magdyowa na minsa’y may duda sa ka-partner, wala naman talagang totoong isyu na dapat pag-awayan (unless gusto lang nilang magpapansin!). Pareho silang loyal at basta magkaroon sila ng personal space from time to time, ang relasyong ito ay maghi-hit ng jackpot! Wow!

Kung ang babaeng Taurus ay nag-iisip na makipag-relasyon sa isang Scorpio, kailangan nitong maghanda. Tulad ng nabanggit ko kanina, may pagka-stubborn ang dalawang ito kaya kailangan nilang magbigay ng espasyo at lawakan ang pang-uunawa. Kung matutunan nilang respetuhin ang kanilang differences at suportahan ang kani-kanilang passion, bonggang romance ang ending nito!

Uyyyy…. Tamis! Kilig na nga sa sine, kilig pa sa real-life! Huwag nang magpaliguy-ligoy! Push na ‘yan!

Pares-Pares
By Madam Damin

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.