Andi Eigenmann, wala nang galit kay Albie Casiño

SECRET AFFAIR, iyon ang bagong pelikula ni Derek Ramsay, Andi Eigenmann at Anne Curtis sa bakuran ng Viva Films. Gabi na nang makausap ng Pinoy Parazzi si Derek at si Andi, pero sulit naman dahil marami kaming napag-usapan at ang isa nga nga rito ay aming napag-alamang sobrang nanghinayang ang actor sa halos anim na taon na itinagal ng relasyon nila ni Angelica Panganiban.

“Nakapanghihinayang siyempre. Pero nandu’n na ‘yun, wala na tayong magagawa. Basta’t ang importante ay magkaibigan kami ni Angelica.”

Isang superhero ang nakatakdang gawin ni Derek sa bakuran ng TV5 at isa pang soap opera na posibleng makasama niya si Nora Aunor.

“Sa ngayon tinatapos muna namin ‘yung Olympic special, then may ilang taping pa akong dapat gawin for Amazing Race.”

Samantala, nang makausap naman namin si Andi ay natatawa itong nagkuwento ng ilang eksena nilang bedscenes ni Derek.

“My God parang first time kong ginawa lahat ‘yung eksena. Ah, nakakailang nu’ng una, pero inisip ko na trabaho lang, kaya ‘yun,” panimula sa amin ni Andi na nagsabi pa na ngayon pa lang ay handang-handa na ang birthday party ng kanyang anak.

“I’m sure kahit imbitahin ko siya (Albie Casiño) hindi naman siya darating kaya wala nang dahilan para invite ko siya.”

Wala na raw nararamdamang galit si Andi kay Albie at sa halip mas gusto niyang magkaroon ng katahimikan.

“Matagal ko na siyang pinatawad. Hindi na kaila-ngang magkausap pa kami. Basta ang importante, hindi na ako galit sa kanya,” pagwawakas ng aktres.

 

ANG DATING pagmamahal ay wala na ngayon sa puso ni Angelica Jones. Personal siyang pinuntahan ng Pinoy Parazzi sa kanilang bahay sa San Pablo City, Laguna, kung saan ay nadatnan naming pinaliliguan nito ang 6-day old baby boy (Angelo Timothy Benedict).

“Wala nang dahilan para habulin ko pa siya. Hindi ko na gugustuhin pang makasama ko siya habang buhay. Wala na ‘yung pagmamahal at respeto ko sa kanya,” linya ni Angelica na ang tinutukoy ay ang kanyang da-ting boyfriend na ama ng kanyang anak na si Councilor Gerard Alday ng Batangas City.

“Nanganib ang buhay ko. Hindi agad ako nakapanganak kaya kung hindi agad maaalis ang sanggol sa sinapupunan ko ay malalason na ang dugo ko, dahil pumupo na du’n ang bata. Dapat check-up lang ang gagawin ko, dahil next week pa ako manganganak, pero dahil mauubusan na ako ng panubigan, kaya hindi na ako pinaalis pa sa St. Luke’s (Bonifacio Global City).”

Agad-agad daw ay inoperahan si Angelica, pero hindi ang tahi ang higit na nagpasakit sa kanyang damdamin.

“Iba pala ang feeling ng isa ka nang ina. Ang saya-saya mo. Pero sa tuwing may magsasabi sa akin na si Angelo ay kamukha ng tatay, naiiyak talaga ako kasi hindi ko akalain na magagawa niya ito sa akin,” at tuluy-tuloy nang naglandas ang luha ni Angelica.

Maraming sama ng loob ang ibinulalas ni Angelica. Ang matinding kahihiyan ng kanilang pamilya.

“Pati simbahan ayos na. ‘Yung wedding gown, okay na. Actually, handang-handa na lahat at sa January na ang kasal namin, pero heto… lahat nawala. Buti na lang at may Angelo ako ngayon na nagpapalakas sa akin.”

Ayon kay Angelica, binigyan ng 30 days na palugit ang ama ng kanyang anak na si Councilor Alday para magdesisyon kung pipirmahan nito ang birth certificate ni Angelo.

“Kung hindi niya aangkinin ang anak ko, walang problema sa akin. Pero hindi niya maitatanggi na anak niya ito dahil kamukhang-kamukha niya at wala ngang nakuha sa akin.”

Handa anytime si Angelica na ipa-DNA test si Baby Angelo para patunayan sa lahat ng kanyang detractors na lehitimo itong Alday at hindi niya anak kung kanino. Tsuk!

More Luck
by Morly Alinio

3 thoughts on “Andi Eigenmann, wala nang galit kay Albie Casiño

  1. kong ako d2 k andi ipa DNA ko nlang ang bata pag lumabas s resulta n c albie ang ama SAKA NIYA ISAMPALA K ALBIE ang resulta, kesa panay ang talak nitong c andie samantalang yong albie walang cnasabe, mukha atang itong c andi ang hindi maka move on kc panay gamit s pangalan n albie, bakit parang takot c andi n ipa DNA yong bata? ok nga yon para matapos n ang usap usapan n baka hindi c albie ang ama ng bata, kong wala kang kinatakutan bakit k aayaw, walang masisira s pag katao mo kong ipa DNA yong bata. napupuna ko bawat article n andi binabangit ny c albie.

  2. tama yanb para makabalik na si albie sa abs, di yata makabalik si albie dahil sa parating nakabantay ang nanay nitong si andie sa gate ng abs haha

  3. Talagang maalis nga yang galit mo kay Mr. Casino,, Pero si Mr Casino eh nag uumapoy ang galit sa yo.. Ipabugbog mo ba naman sya tarantada ka. Para kang si Claudine Barreto na binugbog nila si Mon Tulfo.