Andi Eigenmann, tanggap na ang pagiging dalagang ina!

NAKA-MOVE-ON NA nga si Andi Eigenmann sa controversial issue na kinaharap niya dahil sa kanyang pagbubuntis. Happy siya ngayon dahil sa suportang ibinibigay ng pamilya. Buong tapang niyang hinarap ang hamon ng buhay, ang pagiging dalagang ina. Hanggang ngayon ay hindi pa rin inaamin ni Albie Casiño na siya ang ama ng dinadala ni Andi.

Hindi man inamin ni Andi sa entertainment press na si Albie ang nakabuntis sa kanya, pero sa personal blog at twitter, sinabi nito na ang young actor ang ama ng kanyang ipinagbubuntis. Kahit six months pregnant na ang young actress, that time, tuloy pa rin ang pagrampa sa mga social gathering. Inaaliw ang sarili para kalimutan ang nangyari sa kanya.

Ayon sa malalapit na kaibigan ni Albie, usap-usapan ngayon na gusto na raw makipag-ayos ni Albie kay Andi. Ang pamilya lang ng binata ang diumano nagiging hadlang para maging maayos na ang lahat. Hindi raw boto ang mommy ni Albie kay Andi. Pinalalabas pa raw ng mga ito na pilit na sinisiraan sila ng pamilya Eigenmann. Maraming intriga ang ibinabato ngayon kay Albie na galing daw sa kampo ni Andi, pati mga negative write-ups, sila ang pinagbibintangan.

Agad namang nilinaw ni Jaclyn Jose na never na nilang pinag-usapan pa si Albie. Huwag naman daw ibintang sa kanila kung anuman ‘yung hindi magandang naisusulat sa kanilang anak. Happy na sila sa takbo ng buhay ni Andi. Tanggap na raw ng anak niya ang pagiging dalagang ina.

“Kung nangyari man ito kay Andi, tanggap na namin at wala kaming sinisisi sa pangyayari. I’m happy dahil naging matapang ang anak ko harapin ang problema,” say ni Mommy Jacklyn.

 

NAKAKALOKA ANG drama ni Roxanne Guinoo. Pagkatapos nitong magpa-interview sa isang glossy magazine, bigla na lang pinapa-cancel ang nasabing article. To think na ang Star Magic Talent Center pa raw ang nag-request sa nasabing publication na kung puwedeng pa-interview ang kanilang alaga. Buong-puso namang pinagbigyan ang kanilang request. Nag-set ng meeting at maayos naman ang tinakbo ng pag-uusap ng writer at ni Roxanne.

Nang magawa ng writer ang write-ups ni Roxanne, pinabasa ang article na kanyang ginawa sa dating actress na lalabas this September. May portion lang sa article na gustong ipatanggal si Roxanne na kung saan sila nagkakilala ng kanyang husband. Agad namang pinagbigyan ang kahilingan ng actress at buong ningning na inayos ng writer ang kanyang sinulat. Maayos naman ang naging pag-uusap nina Roxanne, SMTC at ng publication.

Ayon sa aming source, bigla na lang daw tumawag ang Star MagicTalent Center sa editor ng glossy magazine at  nakikiusap na huwag na lang daw ilabas ang three pages article ni Roxanne. Ikinabaliw raw ng entertainment editor ang pangyayaring ‘yun. Deadline pa naman nila at mabubutasan sila ng tatlong pahina. Nataranta raw ang editor, hindi ganoon kadali para maghanap ng panakip-butas kung sakaling ipagpilitan ni Roxanne na huwag nang ilabas ang kanyang article. Nang makausap nila ang actress, okey naman ito. Pero nang tumalikod na, iba na ang naging drama ng dating actress.

 

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

11 thoughts on “Andi Eigenmann, tanggap na ang pagiging dalagang ina!

  1. Siyempre naman kung nagbuka buka ka ng FLOWER mo na parang bulaklak ng KATURAY eh natural lang– Di ka ba nag-aral ng Biology sa highschool? Or did you quit school? What choice do you have? Magpapakamartyr ka na ngayon sasabihin mo sa madlang people na “Tanggap” mo ang iyong pagkadalagang ina? Spare us will ya! Naawa kami sa daughter mo.

  2. Sa tingin ko may kalandian talaga itong si Andi. Kung matinong babae siya for sure aaminin kaagad nung lalake na siya ang ama. Kahit si Andi mismo nahihirapang e mention in public kung sino ba talaga ang ama dahil siya mismo hindi  sidurado kung si Albie ba talaga o iba ang ama. Iba kasi pag tumatambay sa bar ang mga girls. Inum, sayaw pagkalasing at medyo naging hot na sa kama na ang tuloy kahit sinong ma tyempuhan. 

    • MALI KA INDAY! HINDI MAY KALANDIAN C ANDI KUNDI TALAGANG SOBRANG MALANDI AT MALIBOG AT IMORAL YANG ANDI NA YAN KAYA KHIT CYA HINDI SURE KUNG CNO TATAY NG ANAK NYA KAYA NGA WAG NA MAGTAKA KUNG MAY DOUBT C ALBIE KUNG SA KNYA YUNG BATA. TPOS AYAW PA IPA-DNA SO ALAM MO NA. BWAHAHAHHAHAHA

Leave a Reply

Your email address will not be published.