Andi Eigenmann, sinabihang ‘plastic’ si Jake Ejercito

Andi Eigenmann, sinabihang 'plastic' si Jake EjercitoNaniniwala ang mga netizen na para kay Jake Ejercito ang mga tweets ni Andi Eigenmann bilang reaksiyon ng huli sa isang article na lumabas sa pep.ph kaugnay ng interview kay Jake.

Sa interview kay Jake Ejercito nang tanungin ang estado ng relasyon nila ni Andi, sinabi nitong, “we’re friends… without benefits.”

Sa tweet ni Andi kahapon, March 22, tinawag niyang “plastic” si Jake. Aniya, “Pwede ka nga mag-showbiz. Ang plastic mo eh.”

Sinundan pa ito ng dalawang magkasunod na tweets ng aktres kung saan sinabi niyang, “Kahit naman sa 5 year relationship natin “just friends” lang tayo eh.” at “We aren’t even friends. We are nothings.”

Nasabi rin kasi ni Jake sa kanyang interview na humigit-kumulang “two years” na silang break ng aktres at tumagal nang “four to five years” ang relasyon nila.

Malapit si Jake sa anak ni Andi Eigenmann na si Ellie, na naintrigang siya ang ama. Madalas ding nakikitang magkasama sa mga lakad at bakasyon sina Andi at Jake kahit matagal nang tapos ang kanilang relasyon.

Lumalabas ngayon si Jake bilang ka-love triangle ng phenomenal love team nina Alden Richards at Maine Mendoza sa kalyeserye ng “Eat Bulaga” at kasama rin siya ng dalawa sa Lenten Special ng EB na “God Gave Me You”.

Samantala, kaagad na binura ni Andi ang kanyang tweets, pero may mga netizen na nakapag-screen grab ng mga ito at agad na ni-repost sa social media.

By Parazzi Boy

Previous articleAte Gay, nilaglag matapos paasahin sa show ni Kim Chiu
Next article#AlDubEBTamangPanahon kabilang sa Guiness World Record

No posts to display