Andi Eigenmann, Proud Single Mom at 21!

JUNE 23, 2011 – Unang pumutok sa isang blogsite ang blind item tungkol sa isang sikat na youngstar na diumano ay nagdadalantao. Wala pang isang linggo matapos kumalat sa iba’t ibang internet sites ang blind item, may pangalan nang lumabas, diumano ay si Andi Eigenmann.

Unang sumabak sa showbiz si Andi sa seryeng Prinsesa ng Banyera, pero mas nagkapa-ngalan ito nang gawing bida, via a dual role sa primetime series ng ABS-CBN na Agua Bendita.

June 29, 2011 – Sa panayam sa telebisyon ni Mario Dumaual sa ina ni Andi na si Jaclyn Jose, inamin nitong buntis nga ang kanyang anak. Noong time na ‘yun, 18 weeks and 2 days na raw ang dinadala ni Andi.

Pero, nanatili pa ring blanko ang publiko kung sino nga ba ang ama ng ipinagbubuntis ni Andi dahil hindi pa rin ito pinangalanan ni Jaclyn. Ang tangi lang niyang kinumpirma ay ‘first boyfriend’ ni Andi ang ama nito pero iniwan din daw siya nito nu’ng nabuntis na.

Pero tanging ang alam ng karamihan ay si Albie Casiño lamang ang hayag sa publikong naging boyfriend ni Andi. Si Albie ay kapwa Star Magic artist ni Andi.

Ilang buwan din ang nakaraan nang makita naman sa isang functions si Andi kasama ang anak ni Former President Joseph Estrada na si Jake Ejercito. Kinagabihan, nag-post naman si Jake sa kanyang official Twitter account at ipinaliwanag niyang hindi siya ang unang boyfriend ni Andi.

Sa personal Twitter account naman ng ina ni Albie na si Rina Lee Casiño, itinaggi naman nitong ang kanyang anak ang ama ng ipinagbubuntis ng dalaga. Sa isang panayam naman sa isang radio show ng ina ni Albie, sinabi nitong walang problema kung si Albie nga ang ama dahil blessing ito. At welcome din daw para sa kanila ang DNA test.

June 30, 2011 – Sa personal Twitter account ni Andi, binasag na niya ang kanyang katahimikan sa pamamagitan ng pagtanggol kay Jake Ejercito. Sinabi nitong isa lang ang naging boyfriend niya, bago siya nakikipag-date kay Jake kung saan dalawang buwan pa lamang daw silang lumalabas-labas.

Medyo naging malaki na ang gusot sa pagitan ng dalawang kampo.

July 9, 2011 – Um-attend si Andi sa Preview Best Dressed Ball at halatang-halata na ang kanyang ipinagbubuntis. Looking very happy, umiwas si Andi na pag-usapan ang kanyang pagbubuntis.

Sept. 4, 2011 – Sa kanyang blog na may titulong ‘The Good That Won’t Come Out Chapter: Deux’, inihayag na ni Andi ang identity ng ama ng kanyang anak – si Albie Casino. Bahagi ng kanyang blog ay ganito ang nakasulat, “Maybe instead of feeling bad that Albie left me to take on this responsibility by myself, I should thank him for giving me the opportunity go out and find genuine happiness once again. I’d obviously love for him to be around eventually. You know, to save myself the struggle to find a good way to explain his absence to his child. At the same time, I’d understand. Cus after all, I have no idea who or what kind of a person all the fame and fortune has turned him into now. All I hope is that he’s well.”

October 3, 2011 – Sa live interview naman ni Andi sa programang Bandila kung saan isa na si Boy Abunda sa mga hosts ng reformatted late night news ng ABS-CBN, inamin nitong ang kanyang pagbubuntis ay isang regalo para sa kanya. Gusto na raw niyang duma-ting ang buwan ng Nobyembre upang makita na siya ng kanyang anak.

November 23, 2011 – Bandang 5:20 ng hapon, nagsilang si Andi ng isang malusog na baby girl na may timbang na 7.8 lbs.

Labis naman ang kagalakan ng mga magulang ni Andi na sina Jaclyn at Mark Gil sa kanilang apo na pinangalanag Adrianna Gabrielle.

Sa isang panayam ilang araw makapanganak, sinabi ni Andi na hindi niya naramdamang ‘incomplete’ siya bilang isang single mother.

Sa lahat ng mga nangyari kay Andi, napakasuwerte niya at all-out ang suportang natanggap niya mula sa kanyang mga kapamilya. Kaya naman siguro hindi napanghihinaan ng loob ang dalagang ina na harapin ang bagong yugto ng kanyang buhay.

Hanggang sa maisulat ang siping ito, wala pang naririnig mula sa kampo ng ama ni Adrianna Gabrielle. Siguro mas pinili na lamang ng kampo ni Albie Casiño na maging tahimik muna at huwag nang i-spoil ang naramdamang kagalakan nga-yon ni Andi at ng kanyang pamilya.

Ang pangyayari kay Andi, marami man ang nagsasabi noon at nanghihinayang sa maganda nang nasimulan niya sa showbiz, ay marahil isang guide o example para sa mga kabataang magkaroon man nang pagkakamali sa kanilang pagiging mapusok, dapat lang itong pangatawanan at harapin.

 

Marami nang mga pregnancy sa showbiz ang itinago at madalas, ipinakikilala bilang pamangkin dahil feeling nila ay makasisira ito sa kanilang karera. Pero pagda-ting ng panahon, aaminin ding anak nga nila ang mga batang pinaghihinalaang kanila. Huli na para sa iba, dahil nangyayari ang kanilang mga pag-amin sa panahong malamlam na ang kinang ng kanilang mga bituin.

Andi chooses to stay in the limelight and very proud of her pregnancy… and for being a single mother at the age of 21.
Sure na ‘to
By Arniel Serato

loading...

10 thoughts on “Andi Eigenmann, Proud Single Mom at 21!

  1. ok lang naman maging single mom basta alam mong wala kang inaaragabyadong tao.. i have a kid and i’m single mom.. nasa tao kung papano nila ihahandle ang mga bagay bagay.. buti nga sya eh at the age of 21 nakaya nya maging proud single mom.. di tulad ng iba na nag kakaanak tapos deny to the max..

  2. WOW poster child ng Dalagang Ina! TULARAN! sige ba! Pinagmamalaki ang having a child out of wedlock…..It means one thing ba*****a ang anak?! Something the daughter will have to face one day— utak sabaw ang egg and sperm donor !! Proud to be Single Mom–eh what choice does she have?

  3. Buti pa si Andy hindi nagpalaglag na bata kahit nagsisimula ang career niya, di tulad ni Rhian Ramos ng GMA7 pumatay ng sariling anak.

  4. Wala bang pang belo c Andi..ang itim ng kili kili tas prng binunot ang balahibo na hndi natapos hahaha.but beautiful c andi

  5. Hats off to you Andi. More power to you and your baby. Salamat naman at hindi mo ginawang balut. Ang Magic Bibe, masuwerte maski flop dahil hindi naging balut.

  6. Pansin ko lang ha, bakit ang theme ng mga entries ngayon ay tungkol sa mga past intrigues na either break-up or this pregnancy issue? Well anyway, at least kahit na hindi kinilala ni Albie ang anak mo Andie, at least you did the right thing na hindi ipa abort ang bata. Huwag ka lang mabuntis ulit ng walang amang kinikilala ang anak mo. ONCE bitten, TWICE is katangahan!

Leave a Reply

Your email address will not be published.