Andi Eigenmann, pinatatanggal na ng inang si Jaclyn Jose sa Agua Bendita?!

NAALARMA NA RAW si Jaclyn Jose, mommy ni Andi Eigenmann dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin napapanood sa Agua Bendita ang kanyang anak. Ito nga ba ang magiging katapat ng Panday Kids sa Kapamilya network?

Balitang-balita na kasi na hahabaan ang participation ng batang gumaganap bilang young Andi sa serye. Mahusay rin kasi ang bata at kinaya nito ang challenge ng dual niyang role. Maganda rin ang effect ng pagiging kambal nila, kung kaya’t may sarili nang mga tagahanga ang bata ngayon pa lamang.

Dahil mga bata rin ang bida ng Panday Kids, pinag-iisipan na ngayon ng mga nasa likod ng Agua Bendita na maging bata sa bata ang labanan.

Paano na nga naman si Andi na lalabas lamang kapag nag-dalaga na ang mga batang sina Agua at Bendita. May katuwiran ngang maalarma ang mommy ni Andi.

Hindi maiiwasang maiyak si Andi, dahil ang alam niya’y ilalabas siya agad. Pero, sa takbo ng mga pangyayari ay mga Abril pa raw ang dramatic entrance niya sa ere. Nasa puntong gusto na raw i-pull-out ni Jaclyn ang kanyang anak dahil, lungkot na lungkot ang kanyang dalaga. At kung gaano ito kasaya at ka-proud noong ipinalalabas ang trailer ng fantaserye (habang ipinapakita siyang lumalangoy sa swimming pool at agad nang pinapantasya ng mga kalalakihan) this time ay iba na ang nararamdaman nito.

[ad#ad-text-links-1]

Nakadagdag pa sa lungkot ng mag-inang Jackie at Andi ang katotohanang naging blockbuster sa takilya ang Panday sa nakaraang Metro Manila Film Festival.

Pero, dapat lang sigurong magtiwala sila sa kakayahan ng Kapamilya network sa ganitong klase ng labanan. Kailangan lang nilang maghintay-hintay sa susunod na hakbang ng mga nasa likod ng Agua Bendita.

SAMANTALA, UMAARANGKADA PA lang ang promo ng Panday Kids sa trailer ay sobra-sobra na ang response ng televiewers. Ganu’n na lang ang tuwa ni National Artist Carlo J. Caparas (at better-half niyang si Donna Villa) na siyang may obra ng bagong fantaserye na mamahalin ng madlang pipol.

“Hindi pa rin nawawala ang magic ni da King Fernando Poe, Jr. sa puso ng mga Pinoy televiewers,” ani Carlo sa isang interview. “Ini-expect ko na ito, pero hindi ko akalaing sa unang arangkada pa lang, ipararamdam na sa akin ng mga fans ni Panday na buhay pa rin sa kanilang alaala ang nilikha nitong magic!” Iyon ang kaibahan ng telebisyon. Libre ang mga bata at buong pamilya na sumubaybay sa gusto nilang mapanood. Hindi tulad sa sinehan na kailangan pang magkaroon ng ibabayad sa takilya para sila lumigaya.

“Nagiging generous din kasi ang mga tao sa mga kapit-bahay sa ganitong mga pangyayari. Hinahayaan nilang makinood ang mga kakilala, kaibigan at iyon nga, mga kapit-bahay. Sabay-sabay silang nagsisigawan kapag nakikipaglaban ang kanilang paboritong bida. Sa Panday Kids, maging bidang-bida dito sina Buboy Villar (bilang Oliver), Julian Trono (bilang Hadji), at Sabrina Man (bilang Charlie). Ganu’n din sina Iza Calzado (bilang Maria Makiling), Jackie Rice (bilang Sarah) at lalung-lalo na si JC de Vera (bilang Aureus), ang tagapag-alaga ng tatlong bata.”

Hindi rin makapaniwala ang director nitong si Mike Tuviera, kung kaya’t pinapanay-panay niya ngayon ang pakikipag-dialogue kay Carlo, para lubos niyang maunawaan ang dahilan kung bakit sabik na sabik pa rin ang mga televiewers sa kanyang mga obra.

BULL Chit!
by Chit Ramos

loading...

18 thoughts on “Andi Eigenmann, pinatatanggal na ng inang si Jaclyn Jose sa Agua Bendita?!

  1. sana wag ng lumabas c andi ung bata pa rin hanggang matapos tulad ng kay santino bka di sxa magaling umarte biglang bumaba ang rating wla ng manood ….

  2. for sure may preview na rin ang abs sa mga scenes ni andi at nadissect na nila eto kung kaya bang pantayan ni andi ang acting at charisma nong bata….baka naman hindi..siyempre malulugi at ang laki ng mawawala sa abs kung di mapantayan ni andi yon…pano pag di magustohan ng tao ang pglaki ni agua bendita eh di si andi din ang mapapahiya….masakit man eto for andi but she needs to accept it…si dolphy nga at makisig natapos na ang utoy nila pero di na napalabas

  3. promise the best ang agua bndita.. dito dahil may tf kami un ang inaabangan namin.. fabolous umarte ung batang bida.. natu2wa kami conuterpart part sya ni santino ah.. sori to say ang importante kse dito ay ung kung ano ang hinahanapng public viewer kya naman naextend sya ngganon katgal.. at ikaw andi tandaan mo ito patience is a virtue… may oras din ang kasikatan for u just wait ok

  4. may naisip ako, mahilig naman sila sa flashbacks diba

    remakes = flashbacks, kung tutuusin …

    so ipasok na nila si andi tapos magflashback parin para may ganap pa rin yun mga bata … oh diba ok yun? everybody happy.

    kasi may market din naman si andi kahit papano, she’s now sexy and pretty, and not to mention the leading man na kart racer, ang daming bading ang manonood nyan. pati mga barako to see andi. tapos makuha nyo pa yun market ng batang gumaganap, o edi panalo na naman kayo!

  5. Karma ‘yan kay Andi. Kasi dati papasok-pasok sa PBB Teen Edition eh lalabas-labas din agad. Parang si Rocky Salumbides na iiyak-iyak pa. Miss na raw kuno nila pamilya/nanay/asawa/anak/alagang hayop/imaginary friend nila. Dapat i-ban ng EBS mga housemates na ganito. Nakaka-bwiset!

  6. Poor Andi, excited pa naman. In fairness nakakatuwa yung bata, galing umakting. Hindi pa credit ni Andi yung magandang rating ng Agua Bendita kasi hindi pa siya ang nakasalang. Enjoy pa ang mga viewers ngayon esp mga kids, kapag nagdalaga na si Bendita, I’m sure matutuwa na ang mga grown ups esp boys hehe
    Let’s just wait and see.

  7. prang mas type q ang storya ng mga bata…pra mbago nman ang pinapanood q sa usual na storya na may love story at may kontra bida.at ang galing ng bata heheheh…

  8. mas type nmin panoorin ung mga bata sa agua…nakaka-touch sa puso ung pagbobonding nla ngyon… abs just emphasize na khit madalas d nagkakasundo ang mgkapatid,but in times of trouble, cla pa rin ang magkakampi…to abs,goodluck…

    tanggalin nyo na kaya ung kina kris!!!!nagdagdag pa kayo ng mga hindi marunong umarte lalo lang pumangit!!!wlang kabuhay-buhay na teleserye!!!eto na yta ang pinakaworst na nagawa ng abs e…

  9. Kahit ako BORED na rin sa mga batang gumaganap eh.
    Two weeks na, wala pa rin si Andi!
    Kahit siguro ako yun main character, maiinip na rin mag abang ng paglabas ko.

    Eh kay Rubi nun, 2 days lang, lumabas na yun dalagang Rubi.

  10. Tama. Ang galing nung bata si Xyriel Anne Manabay. Sana sya na lang hanggang matapos. Infact, ung taas ng ratings ng “MAY BUKAS PA” ay nakuha nya. Since magsimula up to now ay Number 1 pa din ito sa PrimeTime Nationwide kaya di ko masisi ang ABS-CBN na panatiliin ito.

  11. diskarte ‘yan ng kapamilya network para nga naman ‘yung avid followers ng “may bukas pa” eh manood din ng “agua bendita.” call it the “santino aftermath.”

    message to andi eigenmann: great things come to those who wait. mapapasaiyo rin ang moment mo.

  12. sana bumili ang GMA ng mga hi-tech cameras na ala Matrix bagay sa Panday Kids!

    kawawa naman pala ang nabulilyasong career ni Andi sa ABS! totoo ang tsismis na imbyerna si Jaclyn Jose sa management ng ABS!

    pero, masaya ang parents ng batang Agua tiba tiba ito sa TF ng anak!

  13. the kid who’s acting in agua bendita’s really good, to think that she’s doing a dual role pa! bagong kid sensation! as for andi, ‘patience is a virtue.’ it’s not like she’s not gonna be aired anyway. so antayin na lang namin ang beauty mo andi:)

  14. Tamang pahabaiin pa ang exposure ng mga bata sa Aqua Bendita, magandang panoorin. Kung ayaw ni Jacklyn Jose then let Andi go. Mas gusto nbamin at inaabangan eto ngayon and wish that etong kids na lang ang lumabas hanggang nd ng teleserye. I know a lot will agree with me.

Leave a Reply

Your email address will not be published.