Andi Eigenmann, patatabain ni Jaclyn Jose ‘pag ‘di pinagpahinga?!

TAMA ANG GINAWA ni Willie Revillame. Nu’ng nagsalita siya sa harap ng maraming press, hindi niya siniraan ang ABS-CBN, ang istasyong nagpala sa kanya. Bagkus, isinalaysay lang niya ang totoong nangyari na kinausap siya para bumalik na sa Wowowee only to find out na papalitan na pala ito ng ibang show.

Ang kaso, ayaw siyang i-release ng Kapamilya network? So ang tanong: Kakagatin ba ni Willie ang alok ng istasyon na isang show kahit labag sa kalooban niya para matapos na lang ang kontrata?

O, kung hindi ba tatanggapin ‘yon ni Willie, tuloy pa rin ba ang pagpapasuweldo sa kanya ng ABS-CBN hanggang sa matapos ang kontrata sa September 2011?

O, ‘yung hinihingi niyang pakiusap na i-release na siya ngunit ayaw naman siyang payagan ay lalabanan na lang niya sa korte? Abangan ang susunod na kabanata.

MALAPIT NANG MATAPOS ang Agua Bendita. Ayon sa aming nakausap, malakas ang show na ito ni Andi Eigenmann. “Pero hindi na namin ma-stretch ang kuwento kaya ie-end na. At least, masarap mag-quit nang nasa top ka.”

Saka sabi pa, hindi na raw magagalit si Jaclyn Jose na kapag hindi pinagpahinga ang anak niya ay patatabain niya ito. Totoo ba ‘to, Ms. Jaclyn?

KILALA N’YO ‘YUNG parang sidekick ni John Lloyd Cruz sa pizza commercial nito? Oo, kapatid ito ni Jessa Zaragoza, si Lloyd.

Aside from Vice Ganda and Marissa Sanchez, alaga na rin namin ngayon si Lloyd. Nakakalokah pala ang tattoo sa katawan ng batang ito. Wala ka nang mapaglagyan sa dami. Pati likod niya, pinuno na niya.

“Kasi, nu’ng nag-Japan ako, nag-Hong Kong dahil me banda nga ako, akala ko, hindi na talaga ako mag-aartista, kaya nagpa-tattoo na ‘ko.

“Eh, biglang dumating ‘yung commercial ng pizza, kaya ‘eto na. Sabi ko sa ate ko, itutuluy-tuloy ko na ‘to.

“Sa totoo lang, gusto kong kumanta, gusto kong magka-album. Sobrang dream ko ‘yon, kaya sana, matupad!”

Pinanood namin ang ilang video ni Lloyd Z sa YouTube, at in fairness, kahit maraming tattoo ang mokong, daming girls ang gustong yakap-yakapin siya, huh!

‘Wag n’yong kalilimutang makinig sa “Wow! Ang Showbiiiz!” sa dwiz 882 sa inyong AM station at maririnig din sa www.dwiz882.com, 11-12nn kasama sina Francis Simeon, Rommel Placente at Ms. F.

‘Yan ay kung type n’yo lang maaliw, ha?

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

11 thoughts on “Andi Eigenmann, patatabain ni Jaclyn Jose ‘pag ‘di pinagpahinga?!

  1. PILIPINAS WIN NA WIN DAPAT PILIPINAS LOSER NA RIN…AQUA BENDITA,,ILUBLOB NYO NA SA PUTIKAN..LAMPASO NA …KAYA MAS MAGANDA MAGHUBAD NA YAN PARA SUMIKAT…DAMOT NAMAN NG INA NYAN..PATATABAIN PARA DI MAPANSIN ANG TANGA NMAN!

  2. namromroblema ang abs ngayon dahil pababa ng pababa ang ratings ng pilipinas win na win. its nothing compared to wowowee.

  3. sa tingin ko base sa nababasa ko kung may binayaran man si willie pra magsulat na magtanggol sa kanya meron di n binayaran para siraan siya pati yung mga ngpopost ng comment online meron din……………….. si ogie diaz d na siguro kailangan bayaran kc taga abs din siya at nkkita niya ang totong nangyayari sa lood ng abs……….

  4. HOY OGIE SIMULA NG NILABAS MO TUNAY MONG KULAY NA BAYARAN KA NI WILLIE WALA NG KREDEBILIDAD KABAKLAAN MO.TAMA DAW GINAWA NG GAGONG ALAGA MO . HOY WILLIE IPUNIN MO NA LANG PERA MO KAYSA BAYARAN MO MGA MUKHANG PERANG REPORTERS NA ITO DAHIL HINDI KA NA MAKAKABALIK.MARAMING GALIT SA KAHAMBUGAN MO NGAYON PALANG NAGBABABALA NA ANG MGA TAO NA I PRESSURE ANG GMA AT 5 NA HUWAG KANG KUNIN BOYCOTT TAWAG DOON.

  5. top rated ang agua bendita hindi dahil kay andi kundi dahil sa story, pero ngayon mas high ang rating ng Noah at yan ay dahil din sa story and of course, si zaijan. give andi another teleserye, without other big stars it will just like be any other teleserye of abs, barely making it in the top.

  6. Si CRISTY lucy FERMIN ang uri ng nilalang na mas nanaiisin mong pisilin ang ilong noong sya ay sanggol pa lamang kaysa hahayaan mong mabuhay sa mundo upang hindi na makapapanira ng maraming buhay.. Kung alam lang siguro ng ina ni CRISTY lucy FERMIN na lalaking mala-demonyo ang anak nya, malamang pinalaglag na nya ito noong si CRISTY ay nasa sinapupunan pa lang… Kawawang nanay, nagkaroon ng anak na puro kasamaan lang ang alam gawin, tsk! tsk! tsk!

  7. Ano ba naman klaseng threat yan ni Jaclyn, patatabain niya si andi pag di pinagpahinga? Bakit di na lang niya pahintuin sa paga-artista para wala siyang problema. Dahil ba sa interesado si mother lily kay Andi kaya nakapagmamalaki na siya ngayon? Artista ka Jaclyn at magaling ka, dapat naiintindihan mo kung papano ang maging sikat. Si Andi ay ngayon pa lang nakikilala at dapat samantalahin niya yun. Maraming artista ang walang trabaho at naghihintay na mabigyan kahit guestings man lang. Dapat maging grateful ka sa mga blessings na dumarating sa kanya. :-)

  8. sinu nga,ling ako kasi sabi ko pagkatapos kong matalo sa kampanya win or lose di na ako magaartista pero makapal muka ko eh ubod ako ng sinungaling at iniyoiyot kona yun c pinky webb d bale rapist din kapatid nya ehhhhhhhhh ang asar talo nood kayio ahhhhhhhhhhhhh

    • Bakit ba bitter ka? Sa gustong kumita ng pera nung tao eh.. If you were in his shoes, won’t you do the same? Kapamilya ako at nakalulungkot isipin na lilipat siya sa GMA dahil okay naman siya sa Dos as a host at gusto ko siya at natutuwa ako sa kanya. Bakit ba lumilipat ang mga talents sa ibang network, di ba pag may mas magandang offer?

  9. SUSMARYOSEP AT MAY BALAK PA PALANG BUMALIK SA ABS CBN SA LAGAY NA YON? KAPAL NAMAN NIYA.

    MAY KONTRATA SIYA SA ABS, HINDI PARTIKULAR NA WOWOWEE, KUNDI IN GENERAL NA PROGRAMA, MEANS KAHIT ANO.

    KAYA BINDING PA KONTRATA NIYA KAHIT WALA NA ANG WOWOWEE.

    SINUSPENDE SIYA NG ABS DAHIL SA KAPALPAKAN NIYA.
    AND BEWARE TV5, SI WILLY AY CERTIFIED JINX,, HUAG SANANG BUMAGSAK ANG TV5 DAHIL SA KANYA. JINX ALSO TO NAME MANNY, INCIDENTALLY OWNERS NAME IS MANNY…. PANGILINAN.

    SABI NGA NI JOEY DE LEON, PAG SA GMA7 SI WILLIE LUMIPAT, MAG AALSA BALUTAN SIYA, PERO HINDI NIYA SINABI KUNG SAAN NETWORK PUPUNTA, PERO SABI NG SPY KO, SA ABS CBN DAW. AT MARAMI DIN UMANGAL MGA TROPA DIN JOEY.

    SEE? LOOKS LIKE WILLIE GOT HIGHLY INFECTIOUS DISEASE.

    YAN ANG KARMA, KARMA!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.