ANDI EIGENMANN, NAKIPAGBALIKAN NA KAY ALBIE CASIÑO?

BREAK NA PALA SINA Ervic Vijandre at Aifa Medina ng Sexbomb Dancers. ‘Yan ang nakalap naming tsika. At ang ex-Survivor Philippines castaway pa raw ang nag-initiate ng break-up dahil na-feel niyang hindi sila compatible ng dalaga.

Sabi ng  aming source, mara-ming bagay na hindi pinagkakasunduan ang dalawa, mga bagay na madalas na nauuwi sa pagtatalo at petty quarrels bet-ween the two. With this, si Ervic na mismo ang nagsabi kay Aifa na mas mabu-ting maghiwalay na lang sila.

Last month lang nakitang sweet na sweet sina Ervic and Aifa sa Hong Kong. Aksidenteng nakunan ang dalawa ng video habang nasa airport. Huling-huli ang dalawa na magkasabay kaya naman no choice sila kundi amining magkasama nga sila.

Pero ang pagkakasabi ni Ervic, nasa getting-to-know stage pa lang sila ni Aifa at hindi pa sila magdyowa. Niyaya niya si Aifa na magbakasyon at nagkataon na may mga friends ang dalaga na naroroon na, kaya sumama ang Sexbomb sa model-actor.

Inamin ni Ervic na si Aira Bermudez na nakasama niya sa Survivor Philippines ang nagpakilala sa kanila ni Aifa. Nauwi sa madalas na pagde-date ang dalawa after their introduction to each other. Hanggang sa maging magdyowa nga sila.

NAGKABALIKAN YATA SINA Andi Eigenmann at Albie Casiño. Nasabi namin ito dahil may nakapagtsika sa amin na dumalaw nu’ng Valentine’s Day si Albie sa taping ng Minsan Lang Kita Iibigin. Siyempre, si Andi ang pakay ng binata. Ang tsika pa sa amin,  may dala pang flowers si Albie para kay Andi. True ba ito,  Andi?

Nang magpainterbyu si Albie tungkol sa posibleng pagsasama nila ni Andi sa isang project ay naloka kami sa sagot nito. Ayaw niyang makasama ang dalaga sa trabaho dahil baka magsawa lang siya sa mukha nito at baka mag-away pa sila sa set.

Anyway, kung nagkabalikan ang dalawa, eh, ‘di good for them.

BLIND ITEM: TOTOO palang nalulong sa droga ang young actor na ito. Ang nakarating sa amin, pati sa set dati ng kanyang teleserye ay tumitira ang aktor. Nung mga panahong iyon ay marijuana ang kanyang tinitira.

Nasa isang depressed area ang location, kaya hindi raw halata na tumitira ang mokong. Ang gawa nito, lalayo siya at pupunta sa may bandang basurahan ng lugar at doon titira ng marijuana. May isang staff na alam ang ginagawa niya na siyang bale tumatayong lookout.

Kapag tapos nang mag-mari-juana ang aktor ay balik na uli siya sa set na fully-recharged.

Da who ang actor? Maraming beses na siyang pinarangalang best actor.


Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.