Andi Eigenmann, nabanas na sa pagkakadawit sa hiwalayang Billy Crawford-Nikki Gil

NABANAS NA rin siguro si Andi Eigenmann kaya nag-explain na rin siya sa pagkakadawit ng pangalan niya sa hiwalayang Billy Crawford at Nikki Gil.

“I have my own life to worry about. Please don’t drag me into other people’s issues. I have nothing to do with it.”

That was Andi’s short and precise explanation na wala talaga siyang kinalaman sa break-up ng dalawa.

Na-link yata sina Billy at Andi all because  they were part of a movie na kasalukuyang tinatapos.

Actually, mahirap talagang paniwalaan na merong romantic something kina Billy and Andi dahil as everyone knows in showbusiness, lovey-dovey pa rin si Andi kay Jake Ejercito. It’s obvious na nagkabalikan sina Andi at Jake. Their actions speak louder than their words, ‘no!

Kaya sa mga nagpapakalat ng chismis na magdyowa sina Billy and Andi, try a better gimik next  time at baka may maniwala.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

loading...

One thought on “Andi Eigenmann, nabanas na sa pagkakadawit sa hiwalayang Billy Crawford-Nikki Gil

Leave a Reply

Your email address will not be published.