Andi Eigenmann, na-ospital sa hirap ng taping!

NAKA-RECOVER NA PALA si Andi Eigenmann, matapos itong isugod sa emergency room ng isang ospital sa Baguio, kamakailan lang, at back to taping na ulit ito.

Ang kuwentong nasagap namin, nagte-taping ang production ng Minsan Lang Kita Iibigin ng ABS-CBN sa Baguio, nang mag-hyperventilate si Andi sa isang eksenang kinukunan sa kanya. Sa nasabing eksena, nakasukbit daw ang isang mabigat na military bag sa likod ni Andi at bitbit ang isang tunay na M-16 rifle, habang tumatakbo ito. Hindi na raw kinaya ni Andi ang tindi ng “military training” scene kaya’t nabigla ang muscles nito, na nagresulta nga sa pagkakasugod sa kanya sa ER ng ospital.

Susme naman! Sa bigat ng military training at sobrang lamig na nararanasan ngayon sa Baguio, sino   ba  naman  ang  hindi  mamimitig ang mga maskels sa katawan? Nito nga lang mga nakalipas na araw, umabot na sa pinakamababang temperaturang naranasan ang Baguio sa 9.8 degrees celsius.

AT LEAST NARINIG na natin ang pahayag ni Bea Alonzo kaugnay sa pagkaka-link sa kanya kay Zanjoe Marudo. Sa isang interbyu, inamin ni Bea na lumalabas nga sila ni Zanjoe, gaya nang makita silang magkasama sa isang mall noong Kapaskuhan.

“Lumalabas kami, we’re friends. Nag-e-enjoy kami sa company ng isa’t isa. Nanood kami ng MMFF movies, we’re friends.” Pahayag ni Bea.

Para ring lumalabas sa bibig ni Bea na isa si Zanjoe sa mga bagay na “hindi pinaplano eh, kung dara-ting, darating”.

Una nang lumabas ang tsismis na may ligawang nangyayari sa pagitan nina Bea at Zanjoe nang ang huli ang hunk actor ang ball date ng magaling na aktres sa katatapos na Star Magic Ball. Pero agad namang natabunan ang chika nang si Gerald Anderson ang kasabay na umalis ni Bea sa nasabing ball.

Matapos ang ‘madugong’ intriga between Kim Chiu, Gerald and Bea, heto’t mukhang nakakalas na nga si Bea sa tanikala ng Kimerald loveteam, dahil kay Zanjoe na mukhang pursigido nang ituloy ang panliligaw sa dalaga.

Lalo pa’t may statement na rin naman si Gerald na labas na raw siya sa Bea-Zanjoe isyu, at mag-move on na lang daw ngayong 2011. So, talagang tapos na si Gerald kay Bea, at go Zanjoe na talaga?! Ganu’n?

MABALIW-BALIW KAMI SA pasiklab ni Tita Cynthia Sol nang maimbitahan kami sa kanyang birthday celebration last December 20 na ginanap sa Meanwhile Bar and Lounge sa Balibago, Angeles City.

Paano ba naman, sa edad na 65, nagawa pang magta-tumbling-tumbling, magpasirko-sirko at mag-i-split ni Tita Cynthia sa gitna ng pagkamangha at pagkatigagal ng kanyang mga inimbitang friends at guests nang gabing iyon.

Kung hindi mo nga kilala ang dating dancer sa Clover Theater, bago na-discover ng LVN Studio at nakasama sa ilang pelikula sina Dolphy at Chiquito, sasabihin mong si Tita Cynthia na ang “Reyna ang Sayawan”. Wala pa ring kupas ang angking galing ni Tita Cynthia sa pagsasayaw sa kabila ng kanyang edad, na ‘pag nakita mo nga siya, hindi mo aakalaing nasa ganoong edad na nga.

Sabi nga ni Tita Cynthia, “kalabaw lang ang tumatanda”. Kaya naman paminsan-minsan, ‘pag may mga  ganitong  pagkakataon  at okasyon,   hindi  nito  mapigilang  ipakita ang bigay-hilig niyang gaslaw sa sinasabi niyang passion niya, ang pagsasayaw.

Wish lang namin kay Tita Cynthia, sana bigyan ka ni Lord ng more health and more happiness. Sabi mo nga, Tita, “hindi tumatanda ang healthy at happy people”! ‘Yun na!

Danny’s Law

by Danilo Jaime Flores

loading...

5 thoughts on “Andi Eigenmann, na-ospital sa hirap ng taping!

  1. ano ba ang nangyari sa pinoyparazzi ngayon? nagbagong mukha nga pero ang mga nagsusulat ay parang mga baguhang di mo mawari. walang kasusta-sustansya ang mga sinusulat. mas malala pa sa tabloid style ang mga nababasa ko ngayon dito. me bwisit na babae pang pakembot-kembot sa gilid ng screen na animo ba ay isang porn site ito. o baka naman front lang ang showbiz balita at porn site na nga ito?

      • guys ndi n cya lumabas LOL nabasa cguro mga comments. thx pinoyparazzi.com for removing her, she really irks me a lot..But honestly when I first saw that woman I was thinking that she would come out again after moving to the side but obviously she didn’t thx a lot.

Leave a Reply

Your email address will not be published.