Andi Eigenmann, mas palaban na sa buhay!

OLA CHIKKA NOW na! Oh, no… oh, yes… now na! Bonggang-bonggang chikahan na naman tayo at siyempre, thanks God it’s Friday. More chikka, more fun na naman tayo to the maximum authority of chikka ng nag-iisang pinagkakatiwalaan na yours truly.

Super palaban talaga itong si Andi Eigenmann at kitang-kita mo talaga sa kanya na hindi siya nasasaktan sa mga nangyayari. At in fairness naman, dapat kung ako kay Andi, sabihin n’ya na kung sino ang tatay, dahil malapit na siyang manganak at baka mahirapan pa siya sa panganganak niya dahil meron pa rin siyang itinatago sa puso niya.

Kumustahin naman natin itong si Albie Casiño na talaga namang deny to death siya sa mga intriga at in fairness sa kanya, nasasaktan daw siya sa pagbibintang ng ama ni Andi na si Mark Gil at inang si Jaclyn Jose na siya raw ang ama ng dinadala ni Andi.

Dapat ‘yan na ang huling sabihin ni Andi, kaya lang parang gusto rin namang maintriga ni Andi dahil gustung-gusto rin niyang magpa-interview at nagsasalita pa siya sa past niya… maloloka ka talaga sa Earth, ‘di ba?

 

AT HETO PA ang bonggang chikka ngayon na talaga namang nagkakalabuan na ang mag-asawang sina Claudine Barretto at Raymart Santiago. Talaga namang nakakaawa si Claudine, dahil kinuha na lahat ng pera dahil sa mga nangyayari sa kanila.

Kumusta naman kaya kung bakit may ganu’ng isyu? Sabi kasi ng mga Kaparazzi nu’ng last Tuesday raw ay pagtingin ni Claudine sa bangko ay nandu’n pa raw ang pera nilang dalawang mag-asawa at sila lang ang p’wedeng mag-withdraw, at nagkakahalaga ng 5 milyon daw ‘yun.

Nakakaloka naman ang eksena dahil nu’ng last Friday ay may mga eksena na pagtingin niya ng umaga ulit, meron pa raw laman ‘yun. Makalipas ang ilang minuto ay na-withdraw na raw sa ibang branch ng bangko. Bakit kaya may mga ganu’ng eksena silang dalawang mag-asawa? Nakakalungkot naman. Naku! Kasi sila lang dalawa ang magkakaintindihan at malaking halaga rin ang pinagtatalunan nila… ‘di ba?

 

BLIND ITEM: SINO kaya itong pagkatapos ma-lock issue ay hindi na siya agad sinuportahan ng kanyang boyfriend at parang iniwan na rin siya sa ere? Mukhang hindi na yata masaya sa kanya ang boyfriend niya kaya kahit na may edad na ang gusto niyang puntahan, ay go na lang siya dahil parang mas effect pa raw ‘yun! Naku, ang actor na ito, talaga namang mas gusto pa ang may edad kesa sa bata at fresh pa… hahaha! Nakakaloka ‘yan!

 

AYAN FOR MORE chikka, more fun… siyempre nais ko lang ipagmalaki sa inyo ang aking anak na nakakasama ko na sa aking programa sa DWSS 1494 KHZ at siyempre siya na rin ang bagong co-host ko sa DZRH TV. Kanino pa ba magmamana, at siyempre hindi rin siya natatakot magpasabog ng chikka! Ayan, ha?! Makinig kayo, Monday to Friday sa DWSSS 1494 KHZ 11:30-12:00 NN, at sa DZRHTV 666 KHZ, every Sunday, 2:30-3:30 PM. Badjao!

 

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

2 thoughts on “Andi Eigenmann, mas palaban na sa buhay!

Leave a Reply

Your email address will not be published.