Andi Eigenmann: Hindi ako ahas!

MATAPOS PUMUTOK ang balitang hiwalay na nga sina Billy Crawford at Nikki Gil, dalawang babae naman ang itinuturong diumano ay third party sa hiwalayan. Nauna nang nabanggit ang pangalan ni Coleen Garcia na pinabulaanan naman agad at kasunod nito ang pangalan naman ni Andi Eigenmann.

Mahigpit din itong pinabulaanan ni Andi sa panayam sa kanya ng TV Patrol last Wednesday August 7. Kahit daw makamandag at mapang-akit ang role ni Andi sa bagong show ng Kapamilya Network na Galema, at kahit daw ‘babaeng ahas’ ang papel niya sa show, iginiit  naman daw nitong hindi siya nang-ahas ng boyfriend.

Pagtanggi niya, “Wala pong katotohanan ‘yun, we work together… were part of Oh My Mama Mia, so since na nagkatrabaho kami, na-bring up nila ‘yung name ko. Bu I have nothing to do with it.”

Naging emosyonal naman ang actress nang mabanggit ang pangalan ng ex-boyfriend na si Jake Ejercito dahil diumano ay nagkalamat ang relasyon nilang dalawa dahil sa intrigang ito.

Aniya, “I have nothing to do with it, and at the same time I have no way of proving it because he’s not here. And that really sucks because talagang… siyempre gusto ko ring alagaan ‘yung relationship namin. I mean we’re not together as a couple but ayoko pa ring masira whatever it is that’s left. I just really been working hard and ‘yun lang po. Gusto ko lang talagang mag-focus sa work ko. So parang gusto ko i-prove ‘yung sarili ko to certain people ,so medyo nakaka… at the same time kahit naman wala akong kinalaman and I’m not affected in that way, medyo minsan nakaka-hurt kasi kahit wala kang ginagawa, nahahahanapan ka pa rin ng mali.”

Bakit kaya naiyak si Andi nang mabanggit ang pangalan ni Jake? Talaga bang on and off pa rin ang kanilang relasyon?

Sure na ‘to
By Arniel Serato

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.