Andi Eigenmann, handang palakihin ang anak nang nag-iisa!

AT PEACE NA raw ngayon ang young star na si Andi Eigenmann pagkatapos dumaan sa sunud-sunod na kontrobersiya dahil sa kanyang maagang pagbubuntis na hinihinalang courtesy ng young actor na ex-boyfriend nito na si Albie Casiño.

Tsika nga ng isang malapit kay Andi, tanggap na tanggap na raw ni Andi na isisilang niya ang kanyang anak nang walang amang nasa tabi at tanging ang kanyang mga magulang, kapatid, kaibigan, ang Star Magic, Icon, at mga taong nagmamahal at nakakaintindi sa nangyari sa kanya ang kanyang magiging karamay.

Sa ngayon nga raw, nakakangiti na si Andi at hindi na kailangang itago pa sa mga tao ang kanyang pagbubuntis, dahil bukas na libro naman daw ang nangyari sa kanya. At kahit nga raw hindi akuin ng ama ng sanggol sa sinapupunan ni Andi, okey lang sa dalaga dahil ready raw itong itaguyod nang nag-iisa ang bata, na hindi humihingi ng tulong sa taong nakabuntis sa kanya.

Ayaw na rin nga raw patulan ng young star ang issue tungkol sa kailangang ipa-DNA ang kanyang anak pagkasilang nito na galing sa kampo ng itinuturong ama ng anak ni Andi. Ayon daw sa young star, alam naman daw ng ama ng kanyang isisilang na anak na siya ang ama nito.

 

TINATAWANAN NA LANG ng star ng Time of My Life na si Mark Herras ang mga taong pilit binibigyang-kulay ang unti-unting pagbagsak ng kanyang katawan. Kung saan sinasabi ng mga detractors nito na baka raw nagda-drugs ang binata na mariin naman nitong pinabulaanan.

Ayon kay Mark nang makausap namin kamakailan, malabo raw mangyari ang sinasabi nilang nagda-drugs siya, dahil ni minsan ay hindi pumasok sa isipan nito na mag-droga. Nagkataon lang daw na nagkasunud-sunod ang taping nito ng Time of My Life, kaya almost everyday ay puyat ito at walang tulog na naging dahilan ng mabilis niyang pagpayat.

Idagdag pa raw rito ang Party Pilipinas, kung saan ilang beses silang nagre-rehearse ng hataw na sayaw para mapaganda ang kanilang production number. Alam naman daw ng marami na everytime na masasagad siya sa trabaho ay mabilis siyang pumapayat.

Sa ngayon daw, tigil na rin daw ito sa pagdo-Dota na minsan na ring kinahiligan ni Mark na isang factor kung bakit siya pumayat noon dahil laging puyat sa paglalaro kasama ng kanyang mga showbiz friends, pero ngayon daw ay trabaho at pagdyi-gym na lang ang inaatupag ni Mark at wala nang iba. ‘Yun na.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

10 thoughts on “Andi Eigenmann, handang palakihin ang anak nang nag-iisa!

  1. WALANG AANKIN SA ANAK NI ANDI KC NGA PUTA CYA. BAKA KHIT CYA HINDI NYA KILALA NAKABUNTIS SA KANYA EH AT KUNG CNO CNO PINAGTUTUTURO NYA DAIG MGA BAYARAN NA HIRAP KILALANIN ANG SUSPECT SA POLICE LINE UP. KELAN NA NMAN KAYA MASUSUNDAN YANG ANAK NYA? BAKA NEXT TIME ANG AMA NA ITUTURO NYA EH C MIKEY ARROYO NA BWAHAHAHAHAHAHAHAHAHA

  2. wala naman magagawa si andi kundi alagaan nya ang kanyang anak,ito ang resulta akala yata d magbubungga ang mga ginawa nya at mahirap nga lang walang gustong umangkin sa bata,

  3. tanga talaga itong faith na ito!!! Hindi mo ba maget!!! Sa dami ng nakatsuktsakan nya, hindi nya mapinpoint ang ama!!! Tanga!!!

  4. mga vaklitas – alam na nga kung cno ang ama, pero ayaw kilalanin ang anak. anong gusto nyong gawin ni andi, ipagpilitan ang kepyas nya sa taong auw ng pananagutan?

  5. Ang anak kailangan ng ama period. Selfish at unfair sa anak mo. Reveal the father now not later.if he deny iit fine,it’s time for  you to move on. At least kahit man llang sa skandalo magkaroon siya ng part di ba? Nabasa ka na why not take a complete shower.!

  6. si jake pala ang ama. kambal po ba? pwede po ba may una na baby tapos may humabol pa na isa? pwede pala iyun??? paano iyun pwede bang hindi sabay ilabas at installment?? Ang tanga tanga ko talaga!!!

  7. andi’s role in MLKI was given a nice exit. makikita mo din na andi did a good job in portraying her role at the same time very generous ang production ng MLKI because they kept her until the end. hindi naging hindrance yung pagbubuntis nya. andi should be commended for not going into hiding. her baby should be proud kasi hindi sya tinago. good karma yan and for sure hindi sya mahihirapan na bumalik sa acting in the coming months.

Leave a Reply

Your email address will not be published.