Andi Eigenmann, ‘di pa handang masaktan ulit

SA ULAT noong August 24, 2012 ng Ang Latest ng TV5, ikinuwento na bukod sa pagiging abala sa bago niyang pelikula ang young mother na si Andi Eigenmann, abala rin daw ito sa paghahanda sa first birthday ng kanyang anak na si Adrianna ‘Eli’ Gabrielle sa November 23.

Ani Andi, “Ngayon po naghahanap ako ng venue. ‘Yun ‘yung first na inaasikaso ko. Tapos, once everything is done, actually, medyo may pagka-perfectionist ako. And I really think na kaya mas hindi nakakagulat na may anak na ako ngayon because sa personality ko, parang ‘yung pagiging perfectionist ko, nabubuhos ko sa kanya. Na parang I want to give her the best birthday ever. A lot of nice things. Ganyan. Everything. All the best, just for her.”

Kakaiba raw ang theme ng birthday at isa raw itong engrandeng selebrasyon.“Opo, Alice in Wonderland. Ever since I was a kid, it was my favorite cartoon na before pa. Tsaka ang fun lang na mag-create ng party na ganu’n ‘yung theme, parang whimsical and ethereal. Sobrang nae-excite ako!”

Pagdating naman daw sa mga bisita, sigurado raw na iimbitahan ng ‘Kahit Puso’y Masugatan’ star ang karamihan ng kanyang mga kaibigan. “Maraming guests talaga. I’m gonna invite everyone that I know na. Especially ‘yung mga nand’yan para sa ‘kin, while I was pregnant with Eli. Tapos ‘yung mga ninong and ninang, siyempre po, ‘di ba. Lahat po ng nagmamahal sa ‘ming dalawa.”

Pagkatapos manganak ni Andi, medyo lumaki ang kanyang timbang kaya raw todo-workout siya para ma-achieve ang dating kaseksihan. “Siyempre po sinadya ko po siya. Isa po ‘to sa mga paraan ko para i-prove sa sarili ko, tsaka sa mga tao na I want this job. I want to stay here. I want to come back, and I want my life before Eli… to be, if not better, the same as before her.”

Sa ngayon, hindi pa raw handa si Andi na umibig muli. “Nagko-concentrate lang po muna talaga ako kay Eli ngayon, sa work ko. Du’n lang po talaga ako nag-focus. ‘Yun lang po talaga ‘yung number one priority ko. And ‘yun po ‘yung gusto kong unahin kasi it’s for mine and Eli’s future… and hindi naman po sa natatakot ako, pero hindi pa po time para masaktan na naman ako ulit. Kaya ‘wag muna po.”

 

MAAGANG DUMATING sa SM Megamall noong Martes, August 21, ang baguhang actor na si Benjamin Alves. Nauna siya sa lahat ng casts ng pelikulang Guni-Guni na nakatakdang mag-premiere night nang gabing ‘yun.

Kahit nakangiti si Benjamin, aminado siyang sobra siyang kabado sa kalalabasan ng kanyang kauna-unahang pelikula. “Sobrang happy, pero nervous pa rin, pero once na we go inside and makikita na ‘yung mga fans, siguro mawawala na ‘yung kaba, nervousness namin, kasi excited na po kaming lahat na makita ‘yung movie, eh.”

Since first movie niya ito at mainstream pa, ano kaya ang naramdaman niya sa malaking break na ibinigay sa kanya ng Regal Entertainment? “First I want to be scared. Sana maganda po ‘yung reception ng audience. And we will find out that tonight. Just expecting great things and more blessings from it.”

Malaking karangalan daw para kay Benjamin na sa kanyang unang movie, lead role agad ang kanyang nakuha. Dagdag pa aniya na isang ‘great actress’ ang ipinareha sa isang baguhang kagaya niya. “Great. Sobrang nakakatuwa, kasi everyone knows Lovi is a great actress. And it’s even better to work with her kasi off camera, we were able to develop a friendship. Looking forward to work with her again. Sayang nga eh, a part of me says that the movie has to end (shooting) but I’m looking forward to work (with her) again, be it on GMA or Regal  Films.”

Biniro naman ng mga media na nandoon kung ang nami-miss ba niya ay ‘yung pagtatrabraho nila o ‘yung mga maseselang eksena together with Lovi? “Hindi naman, hindi naman. Nakaka-miss lang ‘yung mga ano, friendship namin. Actually with the whole cast, so parang towards the end ng shooting lang kayo nakakapag-develop ng friendship kasi nagkakasama kayo everyday, tapos sa promotions. So, actually I always see her supporting me, so I’m looking forward to it.”

Sa mga nakapanpod na ng trailer ng Guni-Guni, may nagsasabing parang hindi baguhan si Benjamin pagdating sa halikan at lovescene, paano kaya niya ito pinaghahandaan? “May training tayo before that, pero yeah I’m thankful to Lovi na game siya, at sobrang maalaga. Kaya ‘yun, nagmukhang parang may experience na ako dati. Kasi ang galing ni Lovi na mag alaga ng co-artist, eh. Pero, it was really the first.”
Sure na ‘to
By Arniel Serato

Related Post

loading...

7 thoughts on “Andi Eigenmann, ‘di pa handang masaktan ulit

  1. It’s ok andi wait for that right guy that will truly and faithfully love you.  Be strong dami maiingit sayo dahil maganda ka padin at meron ka pang baby angel…… Sama kita sa dasal ko.

  2. UU nmn! di pa siya handa masaktan muli… pasarap lang muna dahil gwapo si lalaki at mukhang dakota! hays cge lang!

  3. sa sobrang kalandian ni andi eigenmann, may kapal pa ng mukhang magsabi na ayaw pang masaktan muli, tanga! sa tinatamasang kasikatan nang hindi pa nagkakaanak, baka mas sikat pa sya ngayon at yung para kay julia montes status ngayon eh dapat nasa kanya, mga roles,commercials etc. kaya ngayon nabawasan na ang kinang nya dahil awkward nga naman ang may anak na. napakalandi kasi! tse!

      • putang ina mo! masyado kang affected sa idolo mong pakantot! inutil ka dapat sa inyo ng idolo mong pavirgin mamatay na! gago! basura! mamatay ka nang fan ka bobong inutil tanga!

Leave a Reply

Your email address will not be published.