Andi Eigenmann, ‘di mapormahan ni Matteo Guidicelli dahil kay Jaclyn Jose!

TOTOHANAN NA YATA ang pagpapakitang-giliw ni Matteo Guidicelli kay Andi Eigenmann. Unti-unti na raw nadi-develop ang binata sa dalagang anak ni Jaclyn Jose ayon sa malapit na kaibigan ng dalawa. Palaging magkasamang namamasyal sa dalampasigan tuwing may taping at seryosong nag-uusap. Maging sa actual taping, mapi-feel mo raw ang saloobin ng binata kapag binibigkas nito ang salitang, ‘mahal kita.’ After the take, tampulan tuloy sila ng tuksuhan. Sey nga ng production staff, ‘Totoo na yatang in love si Matteo!’ Ngiti lang daw ang naging tugon ng actor.

Iba na nga raw ang ikinikilos ni Matteo tuwing kaharap si Andi, halatang may gustong ipahiwatig, say pa ng aming source. Super asikaso nito si Agua Bendita na labis na ikinatutuwa ng dalaga.Tahimik lang daw na nakamasid at nakikiramdam si Mommy Jaclyn. Always present ang beteranang actress tuwing may taping ang anak.

Personal kasing inaasikaso ni Mommy J. ang pangangailanan ni Andi and at the same time, acting coach pa rin niya ang Ina. Kiber, kung bansagan siyang stage mother, wala siyang pakialam.  Ang importante, nagagampanan niya ang pagiging Mother sa kanyang one and only daughter na si Andi.

Walang nakikitang masama si Mommy J. sa magandang relationship nina Andi at Matteo. Alam kasi niya ang priority ni Andi ay ang kanyang career at napakabata pa nito para pumasok sa isang serious relationship. Hindi binibigyang-kulay ni Jaclyn ang friendship na mayroon ang dalawa.

Very vocal ang guwapong actor na posibleng ma-inlove siya kay Andi dahil ang type niya sa babae ay mestiza. “Andi is very pretty and sexy. May possibility na ma-in love ako sa kanya lalo pa’t I don’t have any girlfriend right now. But then, career-oriented ngayon si Andi, kaya I doubt if she will entertain suitors now. I’m happy, we’re enjoying each other’s company now as friends. That’s good enough for me…” say ni Matteo na handang maghintay kung kinakailangan sa babaeng mahal niya. Oo nga naman…

INAMIN NI POKWANG na malayo ang mararating ni Melai Cantiveros as a comedienne. Ang pagiging totoo sa bahay ni Kuya ni Melai, kaya siya tinanghal na PBB Big Winner. Walang kiyeme sa katawan kaya minahal siya ng publiko.

“May timing sa pagpapatawa si Melai, hindi pilit, may sariling style siya, kaya swak siya sa manonood. Natural ang pagiging comedienne niya, pagsasalita, kilos at galaw, nakakatawa talaga siya,” papuring wika ni Pokwang.

Ikinatuwa ni Melai ang papuring binitawan ng idol niyang si Pokie. Katunayan nga, binigyan pa siya ng advice ng komedyante na mag-ipon at mag-invest ng lupa habang sikat at maraming project. Ngayon pa lang daw mag-umpisa na siyang magtabi para sa kanyang sarili.

Ang nakakaaliw pa kay Melai kahit hindi siya kagandahan diretso niyang sinabi na hindi siya magpaparetoke. “Mahal ‘yun, eh. Hindi naman ako magpapakuwan, over naman ‘yun. Ang ngipin ko, magtu-toothbrush para pumuti. Tapos magpapakutis na lang ako ng white. Never akong magpapaayos sa doktor. Kuntento naman ako sa katawan ko, sa everything ko. Hindi ako magpapa-nose lift. Tama na sa akin ‘tong ilong ko kasi nakakahinga naman ako,” nakakatawang sabi niya.

Inamin din ni Melai na hindi na siya virgin. Third year college nang mawala ang virginity niya. Nineteen years old siya noon pagkatapos ng kanyang debut nangyari ang first encounter niya sa sex. Two years na niyang boyfriend ang naka-virgin sa kanya, pang-8 boyfriend na niya ito.

Hindi inilihim ni Melai kay Jason ang mga lalaking nagkaroon ng kaugnayan  sa buhay niya noon. Ipinagtapat niya ito noong time na nasa loob pa lang sila ng bahay ni Kuya. Buong-puso namang tinanggap ni Jason si Melai nang walang pag-aalinlagan dahil totoong mahal niya ito. Naging tapat kasi sila sa isa’t isa kaya maganda ang naging takbo ng kanilang relasyon.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

8 thoughts on “Andi Eigenmann, ‘di mapormahan ni Matteo Guidicelli dahil kay Jaclyn Jose!

  1. GANDA NG ANAK NI JACKIE JOSE AT MARK GIL.SI MATEO MAY PAGKA PIOLO BADING NA TAGO.SI WILLIE,WALANG BALLS HINDI MAGPAKALALAKE WALANG ISANG SALITA……….RESIGN NA HOY! ABS LOPEZES MAHIYA NGA KAYO BAKA MAKARMA KAYO PAG KINUHA NINYO ULIT SI WILLIE…MUKHA KAYONG SALAPI.KAKAPAL NINYO

  2. DI PAPATOK ITONG ARTICLE…THE SUBJECT ARE NOT HOT ISSUES….

Leave a Reply

Your email address will not be published.