Andi Eigenmann, dahilan ng maagang pagkatsugi ng Minsan Lang Kita Iibigin?!

HINDI PA PALA dapat magtatapos ang Minsan Lang Kita Iibigin. Napilitan lang daw ang ABS-CBN na tsugihin na ang show dahil kay Andi Eigenmann na nabuntis nang wala sa panahon.

Ang tsika sa amin ng isang taga-Dos, walang kabalak-balak ang network na tanggalin sa ere ang show dahil ito ay nagre-rate.

Bukod dito, ang ganda ng feedback sa show na pinagbibidahan ni Coco Martin. Nadiskaril lang ang diskarte ng Dos nang magdalang-tao nga si Andi. Dapat nga raw ay aabutin pa ng November sa ere ang nasabing soap.

 

MUKHANG GUSTONG TALBUGAN ni Evelyn Vargas itong si Nora Aunor. Nagdrama kasi ang hitad sa birthday ni Mother Lily sa Imperial Palace. Paiyak na sinalubong nito ang Superstar na ikinagulat ng mga TV crew. Super-yakap ito at may-I-cry ang drama.

Si Nora ang pinakamalaking celebrity guest ni Mother Lily sa kanyang birthday. Ang ilan sa mga dumalo ay sina Senators Bong Revilla, Antonio Trillanes, Dick Gordon, James Yap, Paulo Avelino, Boots Anson Roa, Lovi Poe, Ricky Davao, Toni Gonzaga, Paul Soriano, Dennis Trillo, Martin Escudero, Ervic Vijandre, Joel Lamangan, Gil Portes, Elwood Perez, Audie Gemora, German Moreno, Marichu Maceda, Jake Cuenca, Malou Choa-Fagar, Fabio Ide, German Moreno, John Nite.

 

SAM PINTO DOES not relish the idea of getting into a relationship with a bagets.

“Ayoko na ako ang nag-aalaga. Mas gusto ko na ako ang bine-baby,” tsika ni Sam sa presscon ng Tween Academy Class of 2012.

Natanong si Sam kung feel niya ang bagets dahil sa movie ay hinalikan siya sa labi ni Elmo Magalona na estudyanteng na-in love sa kanya.

Eight takes ang inabot ng nasabing halikan na ayon kay Sam ay mabilis lang.

Naku, ano kaya ang feeling ni Alden Ri-chards kung narinig niya ang sabi ni Sam na sa lahat ng male cast members ay gusto niya si Elmo dahil may breeding ito?

 

FEELING NI GERALD Anderson ay wala namang magagawa ang fans nila ni Kim Chiu kung itambal sila sa ibang partner.

“Siguro po wala silang choice at saka ilan lang po sila. Lahat po ng artista dumadaan sa ganyan. Wala naman po silang magagawa,” comment ni Gerald sa launching niya at ni Sam Milby bilang Dermablend soap endorsers.

Sobrang preparation pala ang ginawa ni Gerald for his newest soap dahil gaganap siya bilang autistic.

“May immersion po ako. ‘Pag pinanood n’yo, madadala kayo kung ano ang pinagdadaanan ng ganitong klaseng tao.”
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

loading...

14 thoughts on “Andi Eigenmann, dahilan ng maagang pagkatsugi ng Minsan Lang Kita Iibigin?!

  1. Hoy mga hitad!!! Hwag na kayong mag away at parepareho naman kayong mga bugok!!! 2 at 7???? Dun na lang ako sa channel 4. At least solo akong nanonood!!! Paano ko kaya makita ang mga nagsusurvey para pasakan ko ng bulak mga ilong nila!!! Mga mang gagantso!!! Sa channel 4 na lang tayo!!! Ang tanga tanga ko talaga!!!

  2. sino ngsabing hindi nagrate ang mlki??? insekyora ang mga nagsabi!!! ang taas kaya ng rating kaya nga may pambansang pasasalamat dahil sobrang tinangkilik ang serye na to, at kakaiba sa lahat ng drama series no??? anong pinagmamalaki ng kanguso? wala, puro lang kau salita…. dyan kau magaling!!!! CONGRATS MLKI!!! CocoJam…. you rock!

  3. in denial ung ibang mga Kapuso dto, hindi raw nagrerate and MLKI? ha ha ha, wag naman masyadong maging fanatic to the point na nagmumukhang tanga

  4. Kapal naman ng 2 tao dyan di daw nag re rate ang Minsan kaya pala it end with a big bang. Masyado kayong inggit ha!

  5. yan nag problema ng mga female young stars..pag nabuntis tapos ang career buti kung katulad silang lahat ni jennylyn mercado diba

  6. magkasundong magkasundo sina shebie at englandrose dahil parehong bitter… siguro nung pinaglilihi ng kanilang mga ina eh pulos sama ng loob ang idunulot sa kanila ng mga kasama sa bahay kaya ganun ang kanilang mga ugali. Anyways, congrats to MLKI…You rocked.

  7. i hope to watch JM de Guzman in another MMK episode or in one big teleserye. He is a good actor and very much effective than many of the popular actors in showbiz.

  8. OK LANG, WALA NAMAN KUENTA YUNG TELESERYE EH. KUNG MAGKASABAY ANG BATIBOT AT YUNG “MINSAN” HANDS DOWN SA BATIBOT AKO………HAHAHAHA………

  9. huwag nyo naman isisi kay andi ang pagtatapos ng MLKI, marami talagang naka line up na bagong teleserye ang Kapamilya network. MLKI had its successful run and it ended when its ratings are its peak, it was a great and spectacular ending.

Leave a Reply

Your email address will not be published.