Andi Eigenmann, bigyan na lang ng ibang character sa Agua Bendita!

Parang kelan lang, ‘no? Nu’ng kasagsagan ng May Bukas Pa, si Santino, sikat na sikat. Pero ngayong wala nang May Bukas Pa, ang kinababaliwan namang panoorin ay ang Agua Bendita.

In fairness, mahusay ang bagets na si Xyriel. Kahit kambal ang role niya, kaya niyang maging mabait at salbahe. Kaya nga hindi namin maimadyin kung gaano kahirap para sa batang ito ang magpalit ng character, eh.

Sa mga hindi nakaaalam: si Santino at si Agua ay iisa ang manager. Ang RDB Talent Agency ni Papu at ni Bryan Ancheta na super-babait, kaya love na love namin sila.

At kung type n’yo pa itong paningit namin, ang RDB rin ang manager ng tatlong tsismosa namin sa May Bukas Pa.

HINDI NGA? SA April na nga ba lalabas si Andi Eigenmann bilang lumaki nang si Agua Bendita? Sabi nga ng isa naming kausap na showbiz analyst, bigyan na lang ng ibang character si Andi at ‘wag nang palakihin pa si Agua.

Dahil sa totoo lang, kung galing ka sa time slot na bata ang bida, dapat bata rin ang susunod na bida. Kaya si Agua ay eksaktong-eksakto lang sa ipinalit kay Santino.

Ang tanong ngayon: Matutupad ba ang ipinangakong April na ang sulpot ni Andi samantalang panalung-panalo ang batang si Agua Bendita?

Na in fairness, kinahuhumalingan ngayon ng mga anak ko, kaya kung minsan, dumarating kami sa bahay na hindi na sila excited, dahil naka-focus nang bonggang-bongga sa pinanonood nila.

MUKHANG SI RYAN Christian Recto ay lalaking parang tatay niyang si Ralph Recto, isang pulitiko. Kung si Luis Manzano ay sobrang PR na, aba, maging si Ryan Christian, matsika rin sa mga reporter, ha?

So ibig sabihin, manang-mana lang sila kay Batangas Gov. Vilma Santos sa pagka-mega PR. Saka isa na rin diyan ‘yung itinuro ni Ate Vi sa mga anak na ‘wag kalilimutang magbigay-respeto sa mga nakatatanda, lalo na sa mga reporter.

Maging senador din kaya si Ryan tulad ng daddy niya?

AND SPEAKING OF Ate Vi, merong isang matinding kalaban ni Ate Vi sa Batangas ang tumawag sa amin para kunin ang serbisyo ni Vice Ganda sa kampanya nito bilang governor din ng Batangas.

Nakalulula ang offer, pero kahit isang milyon pa siguro ang ibayad no’n ke Vice Ganda per night ay hindi namin tatanggapin.

Baket?

Una, kaibigan namin ni Vice si Ate Vi. Respeto ‘yan. Walang ipinakisamang masama sa amin si Ate Vi bagkus, sobrang love kami ni Ate Vi.

Pangalawa, si Vice Ganda, ‘pag hindi naniniwala sa isang kandidato ay hindi siya mag-e-endorso. At si Ate Vi ay naging kaibigan ni Vice nu’ng ginagawa nila ang In My Life sa New York.

Kaya kahit walang bayad, sasampa si Vice Ganda sa entablado ni Ate Vi para iendorso ang Batangas governor.

Oh My G!
by Ogie Diaz

27 thoughts on “Andi Eigenmann, bigyan na lang ng ibang character sa Agua Bendita!

  1. Baklang gaya gaya ng username! hahha bakla!

    bumalik ka sa kangkungan station mo!
    \
    /
    \
    /
    V

  2. Karma ‘yan kay Andi. Kasi dati papasok-pasok sa PBB Teen Edition eh lalabas-labas din agad. Parang si Rocky Salumbides na iiyak-iyak pa. Miss na raw kuno nila pamilya/nanay/asawa/anak/alagang hayop/imaginary friend nila. Dapat i-ban ng EBS mga housemates na ganito. Nakaka-bwiset!

  3. Ogie Diaz at Vice Ganda, mayrun pa palang tao katulad ninyo dalawa na di lahat ng bagay ang katapat ay pera kundi prinsipyo sa buhay. Di katulad nun isang matandang writer na wala ng ginawa kundi paninira kay Ate Vi. Mukhang pera yan matandang yan na muntik na nga ibaon sa hukay ay di pa nababago. Panay pa ang pagbabanggit na maka diyos daw siya, di ba siya kinikilabutan!

  4. thanks ogie!thanks vice ganda!magtatagumpay talaga kayo.thanks for treating our idol ate vi that way!kakabilib kayo!

  5. we love ate vi very much!kaya tinatanaw naming malaking utang na loob ang gesture na ginawa nyo ogie and vice ganda!Glod bless you!

  6. thanks nang marami ogie and vice ganda.hangad namin ang patuloy nyong tagumpay.we,vilmanians here in uae will support you and vice ganda habang kami’y nabubuhay!

  7. thanks ogie and vice ganda.walang katumbas na pera ang ginawa nyong yan kay ate vi!bilib kami sa niyo.

  8. thanks ogie and vice ganda for loving ate vi,our idol since our childhood!love na din namin kayo!

  9. maraming salamat ogie at vice ganda!ipinakita nyo lang sa aming mga kababayan nyo na may natitira pa palang mga taong tulad nyo na may mga prisipyo.we love ate vi kaya pinahahalagahan namin ang gesture na ginawa nyo para kay ate vi.kung yung iba’y nabibili ng pera gaya ni sarah geronimo,kayo pala ay naiiba.

  10. thanks ogie and vice ganda!may mga tao pa palang katulad nyo na di nabibili ng pera.Dios na lang ang bahalang gumanti sa inyo.positive kaming mga batanguenos na si governor vi pa din ang mananalong governor this elections.thanks again!

  11. many thanks ogie and vice ganda para sa pagpapahalag nyo kay ate vi!marami na akong nakausap na batanguenos dito sa uae at iisa ang sinasabi nila….governor vilma pa din ang iboboto nila.kaya yung mga naninira kay ate vi dyan,,,sencia na lang sila dahil sa kangkungan pa din sila pupulutin!

  12. thanks nang marami ogie and vice ganda para sa pagpapahalaga nyo kay ate vi!mabibilang na lang sa daliri ng kamay ang mga taong may ganyang prinsipyo.sa hirap ng buhay ngayon,marami na ang mas pinipili ang pera kumpara sa friendship!we will support you and vice ganda because of that and tatanawing utang na loob habnag kami’y nabubuhay!GOD bless at sana’y patuloy kayong bigyan ng blessing ni Lord!

  13. i want to thank you ogie and your alaga vice ganda para sa pagpapahalaga sa friendship nyo ni governor vilma santos.napakalaking bagay yan para kay ate vi at sa aming mga nagmamahal sa kanya.ang sarap isiping may mga tao pa palang natitira na gaya nyo na di lang pera ang tinitingnan ngayon kung di ang pinagsamahan.ang pera ay nauubos pero ang respeto,pagmamahal at pagkakaibigan ay mananatili habang buhay!global vilmanians love and support you ogie and vice ganda!may your tribe increase!

  14. Hello Ogie! Gusto ko lang magpasalamat sa yo pati na kay Vice ganda sa pagbibigay ninyo ng kahalagaan ang inyong pagkakaibigan kay Gov. Ate Vi.

  15. Admin, pwede bang lagyan ng reply notification ang mga comments para mas maganda ang bangayan ng mga fans! :D

  16. please sana wag ng palakihin si Agua. i watch this teleserye because of this little kid Xyriel aka Agua Bendita. i bet, bababa ang rating nito pag napalitan si Xyriel. please…paki parating sa ABS-CBN.

  17. Grabe! Kala ko ako lang before ang nag wiwish na wag na sanang palakihin si Agua. PERO THANK YOU THANK YOU Ogie at sinulat mo na marami ren palang humihiling nito!

    Tootoo yan! Since ang pinalitan nilang time slot ay isang bata..ituloy na! nanonood talaga ako kse ang galing ni Agua..at ni Jon Estrada bilang tatay nya na lagi syang pinoprotektahan! Paki sabi naman sa ABS CBN..na wag nang palakihin si Agua. Mag susuffer ratings nila..pag lumaki na ang kambal!!! Plzzz????

  18. sana hndi nlng pinangakuan c andi…wa2 nmn ung bata
    o kya bigyan nlng ng ibnag show na sya talaga ang bida

  19. salamat po mr. ogie at pakiparating na din ang aming pasasalamat kay vice ganda. sa klase ng pakikipagkaibigan ni Gov Vi at sa respetong ibinibigay niya sa press, sino pa ba naman ang maniniwala sa paninira ng isang laos na matandang reporter na walang ginawa kung hindi itaas ang alaga niya at siraan ang nag-iisang Vilma Santos at iba pang artista na hindi niya mauto?

  20. sana wag na lumaki si agua sobra galing nya tsaka bagay sa kanya maging agua mas nakakaawa tignan pag nilalait na sya ang galing nya! sana gumawa na lang iba teleserye si andi! wag na sya sa agua plzzz!

  21. alam mo ba ogie, bwisit na bwisit ako sa mga 3 tsismosa sa mbp. pag sila na ang lumalabas ay naililipat ko sa ibang channel ang pinanonood ko. :-)

  22. wawa naman si andi matatagalan pang lumabas! ano kaya gagawin ni jaclyn jose lol!

  23. ang tinutukoy na kalaban ni ate vi sa pagka-gobernador ng batangas eh walang iba kundi si arman sanchez.

    hweteng lord yan kaya maraming pera!