Andi Eigenmann, bagong Thalia!

ISANG BONGGANG comeback project ang inihahanda ng ABS-CBN ngayon para kay Andi Eigenmann! Pagkatapos ng matagumpay na pagganap ni Erich Gonzales bilang Maria la del Barrio na magtatapos na nga-yong Pebrero, isa na namang Thalia soap opera ang naka-takdang i-remake ng Kapamilya Net-work at ito ang Maria Mercedes.

Naging magulo man ang nakaraang taon para kay Andi, hindi ito naging hadlang para mawala sa kanya ang tsansa ng paghalili sa papel na ito. May bali-balita na sa second quarter ng 2012 na uumpisahan ang shooting ng nasabing proyekto at pasok din bilang leading man si Martin del Rosario, na una niyang nakatambal sa Minsan Lang Kita Iibigin.

Ito ay isang patunay na iba pa rin ang charisma ng dalagang ina, huh!

 

Prince Stefan, ayaw tantanan ng ‘bading’ isyu!

 

MATAGAL-TAGAL NA ring naninirahan sa Amerika ang dating Starstruck avenger na si Prince Stefan. Naging matunog ang pangalan ng binata noong nakaraang taon nang lumabas sa internet ang ilan sa mga halos hubad niyang larawan. Lalo pa siyang naging kontrobersyal nang i-publish ng isang blog na diumano’y may ka-relasyon itong kapwa lalaki.

Sinubukan ni Prince na depensahan ang sarili, ngunit mas minabuti muna nitong lisanin ang bansa para makaiwas sa gulo. Kahit pa nasa malayo na ngayon ang aktor, hindi pa rin ito tinatantanan ng intriga at marami pa rin ang nagtatanong sa kanya sa Twitter tungkol sa tunay niyang estado ngayon.

Pansamantala itong sinusuportahan ng kanyang tiyahin sa Tate at nalulungkot ito sa patuloy na pagtira sa kanya ng mga mapanghusga.

 

Sam Pinto, todo-bigay sa laplapan kay Cesar Montano!

 

RAMDAM NA ramdam ngayon ang pagbabalik ng Pinoy action movies sa mga sinehan! Pagkatapos ng matagumpay na pagtanggap ng mga manonood sa Asiong Salonga noong nakaraang Disyembre, isa na namang pelikulang pangbakbakan ang dapat abangan. Ito ay ang ‘Hitman’, na pinagbibidahan ni Cesar Montano.

Marami ang nae-excite sa pelikulang ito dahil maliban sa matitin-ding fight scenes, napasabak din ang aktor sa naglalagablab na eksena kasama ang FHM sexiest Pinay na si Sam Pinto. Trailer pa lang, todo-bigay na ang dalawa sa romansahan. Sa kama man o sa kotse, game na game ang dalawa!

Sa totoo lang, may chemistry silang dalawa, ha? Dito na natin mapapanood kung may ibubuga ang Viva sexy star pagdating sa aktingan. Hit it, Sammy!
Show Twitz
Pinoy Parazzi News Service

ShowTwitz

About the Author

has written 67 stories on this site.

loading...

2 thoughts on “Andi Eigenmann, bagong Thalia!

  1. Pingback: Andi Eigenmann, bagong Thalia! | Celebrity Philippines

Leave a Reply

Your email address will not be published.