Andi Eigenmann, ayaw pang lagyan ng label ang relationship kay Jake Ejercito

ANDI EIGENMANN is again embroiled in a controversy. According to reports, she is allegedly the third party in the break-up of Nikki Gil and Billy Crawford. Bagay na mariing pinabulaanan ni Andi.

“Sana po ‘wag na lang akong idamay sa mga bagay na wala akong kinalaman,” pakiusap niya sa press.

Hindi naman daw siya apektado ng isyu dahil hindi ito totoo but she admitted that her relationship with rumored boyfriend Jake Ejercito is being affected.

In an interview, I asked Andi about the status of her relationship with Jake. Marami ang nagtatanong kung nagkabalikan na sila after a photo of their Intramuros tour was posted on Jake’s Instagram account. Are they back for good?

“Hindi ko po masasabi iyon kasi parang ever since the beginning naman hindi ko talaga alam kung ano ba talaga ang dapat sabihin. Never naman po akong nag-hesitate sabihin sa mga tao sa buong mundo na I really care about this person,” she said.

“Ang pinag-usapan lang po namin is that when we are ready at saka kapag tamang oras na, magkakaroon siguro ng label. Pero at this moment, hindi naman po. Sa tingin ko, mga bata pa kami at may sarili pa kaming mga bagay na gusto naming mag-focus. Siya po, nag-aaral pa siya. Ako naman, I’m focusing on my career and Ellie. So, hindi pa importante kung anuman ang mayroon sa relationship namin.”

Sinabi rin ni Andi na pareho silang seloso ni Jake who is also being linked to Coleen Garcia. “Noong time kasi na narinig ko about it, hindi niya ako kinakausap. So, hindi ko alam kung ano iyong totoo. Ang dami kong naririnig, so initially maniniwala ka at magkakaroon ka ng doubt. At the same time, para sa akin, I still trust Jake. So whatever he tells me, I believe.”

Kung hindi pa klaro sa atin kung talagang nagkabalikan na nga silang dalawa ay kumpirmado naman na magbabalik-teleserye si Andi. She topbills Galema where she is reunited with Matteo Guidicelli na nakasama niya noon sa Agua Bendita. Tinanong ko si Andi kung pinagseselosan ba ni Jake si Matteo.

“Hindi naman,” was her short reply.

Has Jake asked her about the actor?

“Nakilala na niya si Matteo. For some reason, hindi ako type ni Matteo at hindi ko rin naman siya type,” natatawang kuwento ni Andi.

I told Andi that that should make Jake happy.

“It should,” she answered.

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.