Parazzi Chikka: Andi Eigenmann, atras na sa Agua Bendita?

Nakatanggap kami ng chikka mula sa mapagkakatiwalaang source na baka raw hindi na ituloy ni Andi Eigenmann ang pagganap bilang Agua Bendita sa Dos.

Ang siste raw, biglaang nagdesisyon ang Kapamilya network na i-extend ang Agua Bendita dahil sa mataas na ratings nito. Kaso, ang katapat ng programa ay ang Panday Kids, na pinagbibidahan ng mga bagets. Natural, gusto ng network na bagets vs. bagets ang labanan. Dahil dito, napagdesisyunan daw umano ng mga executives ng Dos na i-extend ang appearance ni Xyriel Ann Manabay, ang gumaganap na batang Agua Bendita.

Disappointed daw ang kampo ni Andi Eigenmann sa balitang ito lalo na ang nanay nito na si Jacylyn Jose. Gusto na nga raw ipatanggal muna ang pangalan ng dalaga sa credits ng show habang hindi pa ito lumalabas sa programa. Hindi rin daw sila pinayagang tumanggap ng product endorsements hangga’t hindi pa lumalabas ang unica hija nina Mark Gil at Jaclyn Jose sa show.

Naku, huh! Paniguradong hassle na naman ito sa staff and crew ng Agua Bendita! Ano kaya ang mangyayari sa real-life drama na ito? Uuwi kayang luhaan ang dalaga tulad nang nangyari sa Myx VJ Search last year? Abangan na lang natin!

By Mica Rodriguez

Photos By Allan Sancon

[ad#ad-text-links-1]

Parazzi Chikka
Parazzi News Service

loading...

One thought on “Parazzi Chikka: Andi Eigenmann, atras na sa Agua Bendita?

  1. Tama ang desisyon ng abs na pahabain ang role ni Xyriel, nakaka aliw siyang panoorin. Sana manatiling bata nalang ang storyline ng Agua Bendita. Hook ako panoorin ang Agua Bendita, ang galing kasing umarte ni Xyriel. Baka pag pumasok na si Andi baka bumaba ang rating. Sana magkaroon ng project si Xyriel at Santino.

Leave a Reply

Your email address will not be published.