Andi Eigenmann at inang si Jaclyn Jose, nagdededmahan

Andi-Eigenmann-Jaclyn-Jose Andi-Eigenmann-Jaclyn-JoseHINDI IKINAILA ni Andi Eigenmann na hanggang ngayon, hindi pa rin sila nag-uuusap at nagkikibuan ng inang si Jaclyn Jose. Dumaan ang Pasko at Bagong Taon ay dedma raw sila sa isa’t-isa. Kahit nasa bahay ay wala pa rin daw silang kibuan mag-ina.

Alam daw ni Andi na siya bilang anak ang dapat gumawa ng unang hakbang para sila magkabati. Pero hindi pa raw ito mangyayari sa ngayon.

Kung anong dahilan ni Andi kung bakit hindi pa ngayon siya gumawa ng hakbang para sila magkaayos mag-ina ay ayaw ibulgar ng actress.

Pero nandingan si Andi na huwag mag-alaala dahil mahal na mahal daw niya ang kanyang ina at patapos niyang sinabi: “Don’t worry, she is my mom.”

Samantalang lagare ni Andi mula sa taping ng kanyang teleserye na Galema: Anak ni Zuma at Dyesebel sa role na Betty na kontrabida kay Anne Curtis which she doesn’t mind at all dahil trabaho raw ito.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

One thought on “Andi Eigenmann at inang si Jaclyn Jose, nagdededmahan

Leave a Reply

Your email address will not be published.