ANDI EIGENMANN AT EX-BF NA SI JAKE EJERCITO, MADALAS MAGKASAMA?!

MAKAKASAMA PALA NI Megastar Sharon Cuneta sa kanyang upcoming show na The Biggest Loser ang ‘universal’ leading man na si Derek Ramsay bilang co-host. Naikuwento ito sa amin mismo ng boyfriend ni

Angelica Panganiban. Magsisimula na silang mag-taping sa March 21 ng nasabing reality show.

Bukod dito, may nai-pitch na rin daw kay Derek na bagong teleserye ang isang production unit ng ABS-CBN. Pero pinag-aaralan daw nitong mabuti kung tatanggapin ang project. “I’ve been doing teleserye in four years,” shares Derek.

If things will materialize, may gagawin daw pelikula ang aktor at frisbee player for Viva films with Anne Curtis and Cristine Reyes, kaya baka magpahinga muna raw siya sa paggawa ng teleserye.

Hindi kaya magselos ang girlfriend niya kung sakaling may mga maiinit na eksena si Derek with Anne and Cristine?

Ibinahagi rin sa amin ni Derek na baka huling taon na niya ito to compete for frisbee with the Philippine team dahil sa injury na tinamo n’ya sa kanyang tuhod nung mga huling laro niya.

Magdi-discover at magte-train na lang daw ng mga baguhan at batang manlalaro ng frisbee si Derek para sa Philippine team, gaya ng mga taga-Dumaguete na pinuntahan pa niya twice nitong nagdaang lingo. At siya raw mismo ang gumagastos dito. Hindi raw nakasama si Angelica dahil sa trabaho nito.

Humingi na raw ng tulong at suporta financially ang aktor at atleta sa gobernador ng Dumaguete para sa mga kabataang may galing sa larong frisbee.

NAKABAKASYON PALA DITO sa ‘Pinas mula sa kanyang pag-aaral sa London ang guwapong ex-boyfriend ni Andi Eigenmann na anak ng da-ting artista na si Laarni Enriquez at dating pangulong Joseph Estrada na si Jake Ejercito, kaya napagkikita ulit ang dalawa ngayon.

Naalala tuloy namin nang makita namin sina Andi at Jake one Sunday afternoon, around September last year, kung hindi kami nagkakamali, sa Greenbelt 5 sa Makati City, na magka-holding hands at tila naka-pangbahay lang.

Nung Linggo ng gabi namin mu-ling nakita ang mga bagets na magkasama sa tahanan nina Sen. Jinggoy Ejercito sa Quezon City kasama ang mga anak ng senador at mga kaibigan nila nang magpaalam na uuwi na si Andi, dahil may 9 AM taping pa raw ito kinabukasan sa Tanay, Rizal for her teleserye Minsan Lang Kita Iibigin.

Sabi nga ng sister-in-law ni Jake na si Precy Ejercito, magkaibigan pa rin daw ang dalawa. Mukhang hindi yata kasi kaya nina Andi at Jake ang long-distance relationship, kaya si-guro they decided to be good friends na lang. Bagay na bagay pa naman ang dalawa sa isa’t isa, tisoy at tisay!

Mahilig yata talaga si Andi sa tisoy, ‘no? Like Jake, tisoy din kasi ang ex-boyfriend niya na si Albie Casiño ng Mara Clara na bagay rin sa kanya.

MAGBABALIK TELESERYE NA rin sa Dos very soon ang magaling at veteran actress na si Connie Reyes kasama sina Jodi Sta. Maria and Xyriel Manabat, ito ang tsika ng aming source. 100 Days daw ang title. Hindi pa lang namin alam kung ano ang istorya nito.

Huling napanood si Connie sa Rubi, with Diether Ocampo and

Angelica Panganiban, habang sina Jodi at Xyriel naman ay sa Noah nina Piolo Pascual at Zaijian Jaranilla.

Makakasama naman nina Gretchen Barretto at Angelica Panganiban sa teleseryeng Alta sina KC Concepcion, Zanjoe Marudo at Sam Milby na malapit na raw umpisahan ang taping, hopefully this month.

How true ang tsikang nakarating sa amin na kung may oras daw sila o walang trabaho, sa Sofitel Hotel daw nagde-date ang magkasintahang sina Piolo at KC?

Well, wala kaming nakikitang masama dahil magdyowa naman sila. Besides, maganda ang ambience sa hotel na ‘yon, pati ang scenery, Manila Bay, lalo na ‘pag sunrise at sunset, ‘di ba?

UGALIIN N’YO PA rin pong makinig ng Wow! Ang Showbiz! with Ms. F as in Fernan de Guzman, Mimi, and yours truly over at DWIZ 882 KHZ on AM band, Monday to Friday, from 11 AM to 12 NN or log onto www.DWIZ882.com. Follow me on Twitter, too, @francissimeon. Maraming salamat po!


Franz 2 U
by Francis Simeon

Related Post

loading...

One thought on “ANDI EIGENMANN AT EX-BF NA SI JAKE EJERCITO, MADALAS MAGKASAMA?!

Leave a Reply

Your email address will not be published.