Andi Eigenmann at Albie Casiño, pagsasamahin ni Mother Lily sa pelikula?

NGAYONG MAGKASAMA NA ulit ang magkaibi-gang Aga Muhlach at Willie Revillame bilang magkapatid sa TV5, mukhang lalong ma-dadalas ang bonding ng dalawa.

Naiulat namin dito sa aming column noon na masayang nagkasama sina Aga at Willie sa kasal ng ka-patid ng una na si Albert Muhlach sa farm ng kanilang pinsan na si Niño Muhlach sa Lipa City sa Batangas.

Ang sumunod na pagkikita ng dalawa ay nang mag-day cruise sila, mula Manila Bay hanggang Corregidor Island, kasama ang buong pamilya ni Morning (palayaw ni Aga) at kanilang mga kaibigan gamit ang yateng pagmamay-ari ni Wil.

Nu’ng Linggo naman, magkasamang nanood ng laban ng basketball ng NBA All Stars at Smart Gilas Pilipinas sa Smart Araneta Coliseum ang mahusay na aktor at ang TV host-actor-singer kasama ang kanilang mga barkada.

Matapos ng laban, tumuloy ang magkakaibigan sa Manila Peninsula Hotel sa Makati bandang ala-sais nang gabi para maghapunan. Sumunod na lang daw doon ang mabait at magandang asawa ni Aga na si Charlene Gonzales.

 

NATAWA KAMI SA kuwento  ng  aming kaibigang si Jasmine Romero na field reporter ng TV Patrol nang magkita kami sa cafeteria ng ABS-CBN.

Bago pa man kasi sumikat sina Kathryn Bernardo at Julia Montes sa kanilang teleseryeng Mara Clara, sinabi na namin kay Jasmine na may hawig sila ni Julia. Puwede silang maging magkapatid o mag-ate.

Nagulat nga raw si Jasmine nang minsang kaila-ngan n’yang mag-stand up o mag-spiel para sa kanyang coverage na ipalalabas sa TV Patrol sa bandang Quezon City nang bigla s’yang maaninag ng mga batang nag-uusyoso mula sa loob ng crew cab ng ABS-CBN habang nagme-makeup. Akala raw ng mga bata na nakapaligid sa kanilang crew cab ay s’ya si Clara, kaya nagsigawan daw ang mga ito ng Clara.

Kapag kumakain nga raw sa cafeteria ng ABS-CBN si Jasmine, napapansin n’ya raw na napapa-second look at tinititigan s’ya ng mga taong nakakasabay n’yang kumain. Napapangiti na lang daw s’ya at tila nahihiya.

 

BALITA NAMIN AY makakasama raw sa cast ng Aswang ng Regal Films si Albie Casiño. Kung hindi kami nagkakamali, magiging magkapatid sila ni Jillian Ward.

Nakita raw ni Mother Lily minsan sa isang Starbucks branch sa Greenhills, San Juan si Albie. Tinanong diumano ng Regal matriarch ang barista kung sino ‘yung guwapong binata. “Si Albie Casiño,” sagot daw ng barista.

Kaya siguro, matapos makita ni Mother ang controversial young actor, nakipag-usap na ito sa Star Magic para sa movie project.

Ibig kayang sabihin nito ay may plano si Mother in the future na pagsamahin sa isang pelikula sina Albie at ex-girlfriend nitong si Andi Eigenmann since contract star n’ya ang young actress?

Abangan din ang paglabas ni Albie sa teleseryeng 100 Days to Heaven sa loob ng isang linggo.

Nakapag-pictorial na rin nu’ng isang araw si Albie para sa kanyang up-coming teleserye sa Dos with Yen Santos and Martin del Rosario na may titulong Problem Child na launching movie nu’ng araw ni Cherie Gil na Tita ni Andi.

 

Makinig ng Wow! Ang Showbiz! with Ms. F as in Fernan de Guzman, Mimi, and yours truly over at DWIZ 882 KHZ, Monday-Friday, 11-12 NN or log on to www.DWIZ882.com. Follow me on Twitter: @francissimeon.

 
Franz 2 U
by Francis Simeon

loading...

16 thoughts on “Andi Eigenmann at Albie Casiño, pagsasamahin ni Mother Lily sa pelikula?

  1. si mader lily talaga. gigimik na naman ang mahaderang bruha. litse kwah mader lily! laos na yang regal mo. hahahaha panahon na para magtayo ka ng mga bahay aliwan. kikitah ka pah ng malakeh!

  2. engot itong mga ito!!! bakit si vilma nakasama sa pelikula si amalia fuentes kahit nagkarelasyon si vilma at romeo vasquez!!! Hwag makitid mga utak!!! hayup

  3. engot itong mga ito!!! bakit si vilma nakasama sa pelikula si amalia fuentes kahit nagkarelasyon si vilma at romeo vasquez!!! Hwag makitid mga utak!!!

  4. Hindi kaya nakaka insulto yang magkasama sa isang pelikula si andi at albie ang masama pa niyan ay kung me balak pa na ipa loveteam siguradong tutuluyan na ni mark gil ang kanyang sarili pag nangyari yan. Si Mother Lily talaga kung ano-ano ang naiisip.

  5. KUNG TUTOO ITO, MOTHER LILY, MALAKING IN SULTO ITO SA ANDI CAMP. KAYA PURO PALPAK ANG PELIKULA NI MOTHER LILY, HINDI MARUNONG PUMILI NG CASTS.

  6. oh my! one week si albie sa 100 days to heaven? ibig sabihin 1 week akong hindi manonood ng 100 days, oh no! sore eyes talaga sya sakin….

Leave a Reply

Your email address will not be published.