Andi Eigenmann, ‘di isinuko ang Agua Bendita!

AT LAST, NAGTAMPISAW na sa karagatan ang mapanuksong kagandahan ni Andi Eigenmann sa Agua Bendita with Jason Abalos at Matteo Guidicelli. Binato ng intriga ang dalaga sa hindi agad paglabas nito sa nasabing teleserye. Nand’yang  nag-taray raw  si Mommy Jaclyn Jose sa management ng ABS-CBN.

“Totoo po na-delay at nagkaroon ng misunderstanding pero hindi nagalit ang Mom ko. Malabo po ‘yung pagkaka-explain sa Mommy ko. Siyempre, wala po siyang karapatang gawin ‘yun. Bilang Nanay ko, nasaktan po siya para sa akin kasi Nanay ko siya, gusto niya akong protektahan. She wants to be a good mother to me kaya ganu’n na lang ang concern niya. Nagtatrabaho lang po kami… kung ano ‘yung gusto ng tao ‘yun pa rin ang masusunod. Nakapag-usap na po sila ng Mom ko para i-clear ‘yung misunderstanding at okey na po,” depensang sabi ni Andi.

Dumating kaya sa point na gusto na ni Andi na mag-backout dahil sa pagkainip nito? “Hindi po talaga, hindi ako magba-backout. Ako po ‘yung nagsimula nitong palabas. Ako po ‘yung nag-promote. Ako ‘yung nagpakita ng teaser. Hindi ako papayag na i-give-up ito, sinimulan ko, tatapusin ko!”

Hindi kaya nawalan ng confidence kay Andi ang ABS-CBN Management kaya hindi agad siya naisalang? “Hindi naman po sa ganu’n, naniniwala ako na hindi dahil sa akin. ‘Yun din naman ang pinaramdam nila, they make sure na hindi ako dapat mag-alala. Siyempre, importante po ‘yung ratings at gusto ng mga taong makita ‘yung bata. Mapagbigay naman po ang ABS kaya ibinigay nila sa publiko. ‘Eto na po ako, nagsisimula na ninyong mapanood sa Primetime Bida.”

‘Yung balita na gusto raw ni Jaclyn na ilipat ka sa GMA-7? “Hindi mo naman mapipigilan ‘yun, hindi natin maiaalis sa tao na mag-isip ‘sila ng mga ganu’n. Ang sa akin lang po, hindi po talaga! Actually, it’s not about that po. Nagkaroon nga ng ano… kinausap ng Mommy ko ang GMA para may option ako. Ginawa niya ‘yun para lang maialis ko sa isipan ‘yung sakit sa pagkalungkot. Ginawa niya ‘yun para maging masaya ako. Ayaw niyang nakikitang malungkot ako. ‘Yung feeling na wala akong kakuwenta-kuwentang tao, ganu’n po. Hindi ibig sabihin tatalikuran ko, kaya ako nandito dahil ito gusto kong gawin. Pinaramdam ni Mommy sa akin na hindi ito ang end of the world,” paliwanag ng dalaga.

Hindi ipinagkaila ni Andi na nakabantay si Mommy Jaclyn everytime na nagte-taping siya. “Ngayon po todo-todo ang pagtutok ng Mommy ko sa akin. Inaalagaan po niya ako at binabantayan, just to make sure na tama po ‘yung ginagawa ko. Binibigyan niya ako ng pointers when it’s come sa acting. Sabi ng Mommy ko, kailangan sa akin manggagaling para lumabas na natural ‘yung acting ko. Hindi porke anak ako ni Jaclyn Jose kaya ako nandito sa showbiz. Nandito po ako dahil gusto ko ang ginagawa ko, hindi dahil artista ang mga magulang ko. Siyempre, hindi pa po natin alam kung ano ang magiging reaksyon ng mga tao sa paglabas ko.”

Inamin ni Andi na ibayong paghahanda ang ginawa niya rito. Nagpapayat nang husto para maging kaakit-akit sa televiewers at magampanan nang buong husay ang papel niya bilang sina Agua at Bendita. “Thirty pounds po ang nawala sa akin at kailangan ko pa ring magbawas. I just go on a diet pa rin po. Sa taping namin, pulos swimming at saka madalas nasa dagat ako. Siguro ‘yun na po ang form of exercise na nakukuha ko regularly.”

Para kay Andi, she finds out it’s more challenging playing the role of Bendita. “At first, I thought that Agua will be challenging because I always wanted to do drama. Mahilig po ako sa drama, hindi ko po ever nakita ‘yung sarili ko bilang isang kontrabida. Sabi ng Mom ko, medyo nakaaawa raw ‘yung itsura ng mukha ko kaya hindi bagay sa akin ang kontrabida.

“Nu’ng magsimula na akong mag-taping, sinabi po nila, I was doing a good job kay Bendita po. Mas madali pa palang maging salbahe kasi po mas normal na tao ‘yung movement ni Bendita kaya po mas madali. ‘Yung kay Agua po medyo animated kaya nakapaninibago. Kahit po mabait kang tao, ‘yung mga movement ni Agua, facial expression shot hindi siya normal. As of now, mas relax ako sa role ni Bendita,” aniya.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

Related Post

loading...

38 thoughts on “Andi Eigenmann, ‘di isinuko ang Agua Bendita!

  1. inggit lng kayu kay andi kac maganda kahit d cya masyado marunong umacting atleas she work hard para magawa nya ung role nya idol talaga kita andi eigenmann wag mung pancnin ung mga taong naninira sa.u inggit lang cla kac ure so BEAUTIFUL ANDI EIGENMANN  sana mkita kita in personal grabe ganda mo sana maganda rin heart moh i wish u the best  galingan mo sa minsan lang kita iibigin para lalo mairita ung mga taong naiinggit sa.u! grabe ang ganda promise hind ako magsasawang sumoporta sa.u!

  2. ang ganda o andi nakita na kita pti c koko martin…dont worry magaling ka..i love u andi..i hope di ka mag change

  3. hi agua,,paborito ka po ng baby ko,c lhanz,,3yrs.old po sya..gustong gusto k nya mkita,,kaso d ko nmn alam pno un mangyayari,,kya pnapanood k nlng niya sa t.v..sna mangyari na makita ka nya sa personall.un po,,ingat agua,,iloveyou daw!!!hehehe

  4. nong unang labas si andi,di ko nagustuhan talaga ang acting niya,pero habang tumatagal siya gumaganda na pag-arte niya,humuhusay na siya.gusto ko mukha niya,ang gandaganda niya.

  5. hi ate andi gusto kitang makita sa personal ate andi e kasi maganda ka ate andi gusto kung manood ng agua bindita ate andi

  6. maganda mag act ang bata pero pangit nmn æ╤£▲≡ maganda si andi pero pangit umakting ☻☻↔╟ maganda ang istorya ng agua bendita pero pangit umakting ang leading actress ╜«ε☻☻☻▒Σ>╬╣▀♣♦♦♠♥☻☺•◘○♠♣♦•◘○♦♣♠☺☻♥

  7. magaling ang bata pangit nmn ♥† MAGANDI SI ANDI PERO PANGIT UMAKTING……◙²╠Θ SAYANG ANG AGUA BENDITA MAGANDA SANA ANG ISTORYA PERO PANGIT ANG LEADING ACTRESS…┴▲φF▐..!

  8. Sana alisin na si Andi, kasi ang trying hard nya umarte. Lalo na bilang agua. Ang saki sa tenga ng boses nya na boses lalaki.

  9. Wala na tuloy excitement maupo sa harap ng TV, kaya ko pinapanood yung Agua Bendita dahil sa bata. Sana hindi na lang lumaki..lumaki nga naging bakla naman ang boses. Kulang pa sa workshop si Andi at sana i-dub na lang boses niya. Maganda siya at sexy..ayun lang. Doon na lang muna ako sa Panday kids, kakabilib din si Buboy eh.

  10. panget nya umarte, lalo na pg c agua na. MAS MGANDA PANOORIN ANG MGA. NKAKAMISS UN MALIIT NA AGUA BENDITA. bingyan nlng dpat cya ng ibng project. o kea lipat cya sa gma.

  11. Karma ‘yan sa baboy na si Andi. Kasi dati papasok-pasok sa PBB Teen Edition eh lalabas-labas din agad. Parang si Rocky Salumbides na iiyak-iyak pa. Miss na raw kuno nila pamilya/nanay/asawa/anak/alagang hayop/imaginary friend nila. Dapat i-ban ng EBS mga housemates na ganito. Nakaka-bwiset!

  12. super trying hard c andi sa pagdeliver nang lines
    dapat ibalik ang bata kahit kapatid nalang ang role nya..kunwari nasundan nila nang kapatid c aqua n bendita at dun na lalabas c xyriel..sana lang..kc gas2x na ang rating nang aqua n bendita..ang dami nang tao hnd nanonood dahil za acting ni andi…!!!!!!!!!!!

  13. Parang baklang paos ang boses nya. Dapat maispoof to tapos boses Inday garutay si Agua. Hahaha! Ibalik yung batang agua.

  14. She’s pretty…sayang, parang lalaki lang ang boses niya.
    Once lang ako nanood hindi na naulit. I want the kid in Bendita. Mas gusto ko yung batang Agua Bendita…ABS CBN pls? Kunyari minadyik ni Otep (fish friend ni Agua) si agua na bumalik sa pagkabata hehe!

  15. uu nga dapat hnd nalang lumaki c agua bendita kc nga naman ang galing nang bata compare to andi nagiging trying hard ang role nya even her voice is annoying to our ears..lalo na ang bendita na role para xang ewan na d ko maintindhan super OA ang dating pati kabitbahay namin hnd na nanonood..sana nga tinotoo nalang nang nanay nya ang paglipat sa knya..pagmodel lng tlga xa..

    speaking of angel locsin sobrang laspag na!!hnd nmn tlga totoo gf xa ni oyo boy..gimmick lng yun kc za mga panahong yon loveteam nya c richard g. ehh ang type ni chard meztiza pra naman hnd kawawa ang beauty ni angel pinalabas ang kanila ni oyo..eh halata nman iba type ni oyo..at hnd xa papatulan..pek-pek lang ni angel habol ni luis..alam nang nakararami na xa tlga ang nasa video scandal..kazo tinatakpan xa nang network nya..

  16. yeah i agree!!! dapat ang bata naman tlga ang bibida noong umaarangkada na ang rating nang agua bendita kaso nagtaray ang mother ni andi sa production at ililipat nalang dw nya ang anak sa gma7…i like her beauty pero d ko type ang acting nya promizze!! napaka LAWsi ever!! mga ilang buwan cguro bababa na yan ang rating nang agua andami komokontra na ibalik na dw ang bata..

    • at least ito mukhang disente kahit boses bading…si angel laoscin eh mukhang pokpoking lasenga princess next to shaina magtatagay magdayao…kaya andi go..go..go…so fresh looking nakaka L…sa fhm kaya next mo

Leave a Reply

Your email address will not be published.