Andi Eigenmann’s pregnancy courtesy of politician’s son?!

PARANG AYOKO NAMANG maniwala sa isyung kinasasangkutan ngayon ni Andi Eigenmann na kasali pa naman sa paborito kong pinapanood na Minsan Lang Kita Iibigin.

Obvious kasing siya ang tinutukoy sa blind item na nabuntis daw ng anak ng isang maimpluwensiyang pulitiko.

Kilala ko naman itong napabalitang boyfriend ni Andi, pero parang hindi naman kapani-paniwala dahil napapanood ko naman siya sa teleserye nila sa ABS CBN 2.

Tinatanong ko naman ang mga alaga ko sa Minsan…, itinatanggi naman nila ang intrigang ‘yun.

Wala naman daw silang naririnig na ganu’ng intriga kay Andi. Nakakatrabaho naman daw nila sa taping at wala naman daw problema.

Nakakaduda lang dahil hindi ito sinasagot ni Andi. Kahit ang Mommy nitong si Jaclyn Jose, tahimik din at hindi sinasagot ang mga reporter na gustong malaman kung ano ang totoo.

Pero siguro, tingin ko naman diyan ayaw na lang nilang patulan kaya tahimik na lang sila.

Tingnan na lang natin kung mawawala si Andi pagkatapos ng taping ng Minsan…, dahil malapit na itong matapos eh.

 

ANG GANDA PALA nitong anak nina Monching Gutierrez at Lotlot de Leon na si Janine Gutierrez.

Ini-launch itong si Janine na 21 years old na pala, sa Party Pilipinas nu’ng nakaraang Linggo. Marami ang pumuri sa kanya dahil napakaganda naman kasi talaga.

In fairness dito kay Janine, naka-graduate siya sa Ateneo ng kursong European Studies kaya pinayagan na ito ng magulang niya na mag-artista. Matagal na iyang kinukumbinsing mag-artista pero tinapos muna talaga niya ang kanyang pag-aaral.

Sa ngayon ay magiging regular muna si Janine sa Party Pilipinas dahil pinagwu-workshop muna siya ni Lotlot sa acting at nagbu-voice lesson pa. Gusto naman daw niya, marunong na talaga ito bago isalang sa mga project na ibibigay ng GMA-7.

Si Lotlot pala ang tatayong manager niya pero sabi niya sa amin, never daw siyang maging stage mother. Basta nandiyan lang daw siya para suportahan ang showbiz career nito.

Suportado rin si Janine ng buong pamilya dahil du’n sa launching niya sa Party Pilipinas, nandu’n din ang Daddy niyang si Monching pati ang tita niyang si Jackie Lou Blanco.

Hindi nga lang pumunta roon si Pilita Corales pero nagkita naman pala sila ni Janine para magpaalam. Tinuruan pa raw siya ni Pilita ng pagkanta at tamang attitude sa stage.

Isa na naman ito sa mga bagong mukha na aabangan sa showbiz.

‘Di ba ang ganda ng lahi ni Nora Aunor? Tingnan na lang natin ‘pag bumalik na rito si Ate Guy!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

17 thoughts on “Andi Eigenmann’s pregnancy courtesy of politician’s son?!

  1. apparently this issue has been confirmed to be true.. so? congrats to the soon to be mom.. i salute ms, jackylyn jose for being such a brave mother to a poor child..kung ibang nanay pa yan lalo pat sa peak ng kasikatan anak nila, baka ung nanay pa mismo magsusuggest na ipalaglag.. but infairness to her, she accepted her daughter’s shortcomings and loved her more for that..to ANDI, you are such a blessing to your mother, and the baby your carrying is also a blessing and gift to you from GOD. GO LANG NG GO MS ANDI, I’M PROUD OF YOU even at your young age, you accepted a life time responsibility of becoming a mother.

  2. please vote for shin in ah ( miho of my gf is a gumiho)!
     number 12, pang 3rd xa!! pls!!
     http://music.cyworld.com/event/promotion/2011/choice/vote.asp#none

    please vote!!!!

  3. Parazzi.. Huli na kayo sa Balita! Kinonfirm na ni Jacklyn Jose na buntis nga si Andi… read sa PEP. lol

  4. KUNG TRUE MAN TONG CHISMIS NA TO EH DI KO NA KO MAGUGULAT KC BAKA ISIP NI ANDI SWERTE NA NYA KUNG MABUBUNTIS CYA NI JAKE EJERCITO KC KHIT DI CYA PAKASALAN EH TYAK NA FOREVER ANG FINANCIAL SUPPORT NA MATATANGGAP NYA AT NG BABY NYA. DI NA NGA NAMAN NYA KAILANGAN NA MAG-WORK KC MAPERA YUNG DAD NG ANAK NYA. KASO ANG TANONG NA LNG EH PAPAKASALAN BA CYA. TYAK NMAN NA MARAMI NA RING LALAKE ANG NAKAKANTOT DYAN K ANDI KUMBAGA MARUMING BABAE RIN TAPOS WALANG PINAG-ARALAN AT GALING SA MAGULONG PAMILYA. EH YUNG JAKE EH NAG-AARAL PA PALA SA LONDON AT TYAK NA MAY PLANONG MAGING POLITICIAN LATER ON TAPOS GAYA LNG NI ANDI ANG KUKUNIN.

  5. Pag si Jake Ejercito ang daddy ng baby ni Andi, eh magiging super cute at super mestizo/a ‘yung baby! Pero tinatapos pa ni Jake ‘yung studies niya sa London. 

  6. dapat lang ganon ang gawin ni janine mas malaki ang kita ng artista lalo na kapag sumikat ka kung wlang mangyari eh!di doon niya gamitin ang pinag-arealan niya dba?

  7. kung fez lang ang pag uusapan napaka gandang mukha!!!at mahusay din mag acting…sana di totoo kasi sayang ang future project!

  8. sayang nman kung true ang balita napaka bata pa ni andi at kasisimula lang ng career nya!! at nakaka duda talaga eh, kung hindi true madali lang naman sabihin na hindi at ma papatunayan rin naman agad!

  9. Pingback: Andi Eigenmann’s pregnancy courtesy of politician’s son?! - ShowbizNews.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published.