Andi Eigenmann’s career is gone wasted?!

 

OLA CHIKKA NOW na! Oh, no… oh, yes… now na! Thanks God it’s Friday na naman, at bonggang-bonggang chikkahan na naman tayo, dahil every Friday, meron tayong Pinoy Parazzi Live sa internet. Kasama ko ang aking co-host na si Kristine Dera ng Yes FM. Pak! Kaya makinig na kayo. Pero bago ang lahat, magtsismisan na muna tayo.

Ito pala talagang mag-inang Sharon Cuneta at KC Concepcion ay hindi talaga magkasundo, at panay ang pagsagot nitong si KC sa kanyang nanay.

Sa bagay, hindi naman kaduda-duda ‘yun, dahil nga kahit sa pagbabawal ni Sharon na makipagkita si KC sa ama nitong si Gabby Concepcion, pilit pa ring sinuway ni KC. At ang paglipat niya sa isang condo na ipinagbabawal din ni Sharon, hindi rin sinunod ng anak niya.

Ay, naku, ‘te! Bakit naman ganyan? Kaya nga ngayong nasa ibang bansa si KC dahil sa movie nila ni Sam Milby, parang nag-iisip ang dalaga na roon na muna siya mag-stay for good. Para wala sigurong magbawal sa kanya. Pak!

Kaya pa’no n’yo masasabing may relasyon sina Piolo Pascual at KC? Baka pati nga ‘yun eh, ipinagbabawal ng kanyang mudra. Harhar!

 

KUMPIRMADONG BUNTIS TALAGA si Andi Eigenmann, at ang mother dearest niyang si Jacklyn Jose ang nagsabi. Sabi nga nito, 4 and a half months nang buntis si Andi. Wala nga raw siyang pakialam sa tatay nu’ng ipinagbubuntis ni Andi, kung sino man ‘yun, dahil ayaw nga raw makita nina Andi at Jacklyn ang lalaki.

Proud naman daw si Jacklyn, dahil nga pinanindigan daw ni Andi ang pagbubuntis niya. Kaya lang siguro umiiyak si Jacklyn habang ini-interview ay nanghihinayang daw siya sa career ni Andi. Kung kailan talagang maraming projects ang dumating, biglang naging ganu’n ang eksena. Pak!

 

DUMAKO NAMAN TAYO sa shocking revelations ng broadcaster na si Engr. Manuel Bong Pablico. Patuloy sa pagbubulgar ang founder/ president ng DGG (Divine Government of God), kung saan nakararami ang miyembro na mga taga-showbiz. Sa kanyang radio program na Shocking Revelations, hindi masama sa isang lalaki na makapag-asawa ng 7 babae, ito raw ang tunay na batas ng Diyos. Ngunit sa batas ng tao, ito ay hindi tanggap.

Ayon pa kay Engr. Pablico, walang tunay na kasal, lahat daw ay fake. Ginawa niyang example sa programa niya sina former president Joseph Estrada at former senator Ramon Revilla, Sr. na pawang maraming babaeng pinakisamahan.

Ang pagpapaliwanag niya nang husto ukol dito ay mapakikinggan tuwing Sabado sa DWAD, 11:00 pm-1:00 am; Linggo, sabay-sabay na sumasahimpapawid sa DWIZ, DWBK, DZME at DWSS.

Engr. Pablico is the author of Revelatory Book of Angels, The Sound of Seventh Trumpet. He recalled the book is a revelation from God Himself.

 

KAYA KUNG AKO sa inyo, para sa more chikka… more fun, makinig kayo palagi sa programa ko kasama ko si lady Camille ang aking anak sa DWSS1494khz 11:30 hanggang 12:00 nn at every Sunday sa DZRH666khz 2:30 to 3:30 pm… ayan ha siyempre hindi mawawala ang PINOY PARAZZI LIVE tuwing Biyernes sa internet.

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

3 thoughts on “Andi Eigenmann’s career is gone wasted?!

  1. di ko maintindhan itong si andi. bakit pa siya nakipagboyfriend kay jake e. kung alam niyang buntis pala siya? kaya tuloy daming haka haka kung sino ang ama ng bata. nag boracay pa sila ni jake at pakalong pa sa lap ni jake . nilinlang niya yung tao. siguro totoo nga yung sinabi ni albie na cheater siya. gosh…may time pa siyang makipaglandian kahit buntis na. kung matinong tao siyempre focus muna sa problemang kinakaharap at di muna manlallalaki.

  2. I admired Andi for her decision to keep her baby, God Bless! I know after all these trials you undergoing now, there will be a light coming your way.

Leave a Reply

Your email address will not be published.