Andi at Jericho, naispatang nagde-date?!

NU’NG GABI RAW ng Sinulog Festival sa Cebu bago bumalik ng Maynila kinabukasan, nakitang magkasama sa isang bar sina Jericho Rosales at Andi Eigenmann. Wala raw ibang mga Kapamilya stars na ka-join ang dalawa habang ini-exper-ience ang night life sa Cebu, ayon sa aming informant.

Matatandaan na vocal ang anak ni Jacklyn Jose na crush nito ang aktor.

Pero alam kaya ng napapabalitang boyfriend ni Andi na si Albie Casino ng Mara Clara ang pag-gimmick ng girlfriend nito with Echo habang magkalayo ang mga ito?

CHIKANG ANDI PA rin. Lunes ng umaga, sa Cebu airport pabalik ng Manila, hindi na raw pumayag ang young actress na magpa-picture pa sa mga taong nakakita sa kanya. Dahilan kung bakit na-dismaya raw ang mga tagahanga nito at nag-dialogue ng ‘di maganda.

Kaya naman daw ayaw nang magpa-picture ni Andi dahil pagod na pagod pa ito at antok na antok pa dahil sa aga ng kanilang flight, kaya nga may suot na shades ang dalaga.

HOW TRUE NA ang mga prime stars na sina Piolo Pascual at John Lloyd Cruz lang ang tanging naka-check in sa Marriot Hotel sa Cebu during the Sinulog Festival?

Tha rest of the stars daw ay sa Waterfront Hotel, kung saan hindi raw kahigpitan ang security, kaya maraming mga faney daw ang madaling nakakapasok at nag-aabang sa kanilang mga favorite stars para makapagpa-picture at magpa-autograph.

ABA, CRUSH PALA ng 20-years-old singer na si Young JV si Julia Montes also known as Clara sa teleser-yeng Mara Clara!

Isa sa apat na members ng boy group na A-Pop sa ASAP Rocks ang young rap artist-singer at part din ito ng youth show na Shoutout sa ABS-CBN din.

Nagkakataon lang daw na mas bata sa kanya ang hinahangaang babaeng artista. Kahit daw si Empress Schuck ay crush din nito. At alam daw ‘yon ng young actress.

Pero hanggang ngayon daw ay wala pa ring pinopormahan si Young JV kina Julia at Empress. Ewan lang natin kung from outside show business.

TOTOO KAYANG KINAUSAP ng superior nila ang ilang staff dati ng defunct Pilipinas, Win Na Win na bumisita sa itinuturing nilang Kuya na si Willie Revillame sa TV5 studio ng Willing Willie a few weeks ago?

Balita namin, ang isa sa mga ‘yon ay tuluyan nang nagpaalam sa ABS-CBN para tuluyan na raw yatang makasama muli si Wil at ang mga dati nitong kasamahan from Wowowee days.

GRABE ANG PAGKA-GENEROUS ni Willie Revillame! Namudmod pala ito ng pera sa lahat ng traffic rangers na nangagasiwa ng traffic flow sa Quirino Highway sa Novaliches, Quezon City sa labas ng TV5 minsan isang gabi!

Tuwang-tuwa ang mga traffic rangers at ‘di makapaniwala na titigil ang sasakyan ng sikat at kontrobersiyal na TV host sa kinaroroonan nila at aabutan sila ng kahit kaunting tulong o panggastos. Kaya naman umuwing masaya ang mga ito.

Gabi-gabi kasi ay ‘di mahulugang karayom ang labas ng TV5, dahil sa mga taga-suporta ni Willie matiyagang nagbabakasaka-ling suwertihin na maging part ng audience at contestants sa mga games o segmets ng Willing Willie, kahit du’n na sila magpalipas ng gabi ay okey lang sa kanila.

Karamihan kasi ay galing pa sa malalayong probinsya. Hindi nila alintana ang lamig ng panahon sa gabi at init sa umaga’t hapon sa kanilang paghihintay.

Ugaliin n’yo pa rin pong makinig ng Wow! Ang Show biz! with Ogie Diaz, Ms. F as in Fernan de Guzman, Friend Rommel Placente and yours truly over at DWIZ 882 KHZ on AM band, Monday to Friday, from 11 AM to 12 NN or log-on to www.DWIZ882.com. Maraming salamat po!


Franz 2 U
by Francis Simeon

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.