Anderson Cooper nagpasalamat sa mga sumuporta sa kanyang pagladlad!

“THE FACTis, I’m gay, always have been, always will be, and I couldn’t be any more happy, comfortable with myself, and proud.” ‘Yan ang mga katagang binitawan ng CNN anchor na si Anderson Cooper nang ipahayag niya ang kanyang tunay na pagkatao.

At dahil sa matapang na pahayag ni Anderson, marami ang nagbigay ng suporta via Twitter para sa sikat na anchor mula sa iba’t ibang panig ng mundo at kabilang na nga rito ang ilang mga sikat na celebrities.

Ilan sa mga celebrities na nagbigay ng suporta kay Anderson ay sina Ellen DeGeneres, Kelly Ripa, Neil Patrick Harris at sina:

Tyra Banks: “Congrats for sharing your truth @andersoncooper. You’ll always be the Silver Fox!

LeAnn Rimes Cibrian: “Rock on @AndersonCooper for being a brave, classy man. Much respect!

Kristen Bell: “A bold and beautiful statement by someone who is smarter than all of us, journalist @andersoncooper.

Nagpasalamat naman ang pamosong anchor sa mga sumuporta at sinabing, “I appreciate all the nice tweets. I am in Botswana working but want to wish everyone a great 4th of July!

 

IAN SOMERHALDER IN-AUCTION ANG SARILI PARA SA CHARITY!

 

SA HANGARIN na makalikom ng pondo at makatulong para sa ISF Foundation, para sa pagbubukas ng isang animal sanctuary, in-auction ng Vampire Diaries star at Penshoppe model na si Ian Somerhalder ang sarili.

Mismong si Ian ang nagkusa na i-auction ang sarili at sa sinumang makaka-bid sa pinakamataas na halaga ay maaari na nitong maka-date ang guwapong aktor.

“A big component of ISF is not just habitat or species conversation, it’s animal protection and youth education. There are too many animals that are abused, mistreated, and abandoned. They’ve been ostracized, they have behavioral issues, and they’re starving. It’s just unbelievable what we’ve done to the animals, and I think that’s why this is so important.

“I think it’s an amazing opportunity for us to show that having compassion for one another – and all furry, scaled, or feathered creatures – is the only way wecan progress.”

Maaari raw mag-bid ang sinuman sa halagang $100 hanggang $10,000.

 

 AFTER GUMRADWEYT, CAST MEMBERS BALIK SA SEASON 4 NG GLEE!

 

SA LAST season ng sikat na show na Glee ay naganap ang “graduation day” ng mga casts members. Inisip ng marami na since graduation ay last season na ito ng mga “gumradweyt”.

Marami ang nalungkot pero, good news para sa mga Glee fanatics, dahil kinumpirma ng Fox na muling magbabalik ang halos lahat ng cast members para sa season 4 ng show.

Ayon kay Ryan Murphy, invited halos lahat ng cast members para sa season 4 kabilang na nga sina Dianna Agron, Heather Morris, Naya Rivera, Darren Criss, Mark Salling, Chris Colfer, Amber Riley, Kevin McHale, Jenna Ushkowitz, Harry Shum Jr at siyempre kasama rin sina Lea Michelle at Cory Monteith na ayon pa kay Murphy na matatawag na isang “revolutionary” ang magiging 4th season ng Glee.

At included din sa 4th season sina Matthew Morrison, Jane Lynch at Jayma Mays.

Ang big-lipped blonde babe naman na si Chord Overstreet ay balita namang hindi lang kasama sa pagbabalik sa Glee kundi balita ring upgraded to a series regular ang aktor kung saan siya ang gaganap na new leader ng New Directions.

 

JENNIFER ANISTON NI-REJECT ANG MARRIAGE PROPOSAL NG BOYFRIEND!

 

NI-REJECT DAW ni Jennifer Aniston ang alok na kasal ng kanyang boyfriend na si Justin Theroux noong mag-propose daw ito habang nasa two-week European vacation ang dalawa.

Ayon sa isang source, sa simula pa raw ng bakasyon nina Jennifer at Justin ay alam na ng aktres na mangyayari ang proposal na naganap pa nga sa Parisian restaurant na Le Jules Vern but unfortunately ay isang malaking “No” ang sagot ng aktres.

“She feels like she only got the proposal because she pushed for it. She doesn’t want a guy marrying her because he feels some sort of pressure.

“When it didn’t happen Jen got upset, so they started bickering. They fought about his commitment issues and she brought up a bunch of stuff. He got defensive and stormed out, it was a big mess. They made up a few hours later, but it still ruined the mood of everything,” pagkukuwento pa ng source.

“Justin totally shocked her and proposed. She told him she loves him and wants to marry him, but she couldn’t say yes. She wants everything to feel right, not rushed. She told him she feels like he’s not ready, but she is willing to wait for him,” dagdag pa ng source.

Hollywood Expose!
By J. Roberto Zausa

loading...

One thought on “Anderson Cooper nagpasalamat sa mga sumuporta sa kanyang pagladlad!

Leave a Reply

Your email address will not be published.