And Aubrey was her name… but who’s to blame?

A NOT SO very ordinary girl or name. Naka-chit-chat ko sa studio ng GMA si Aubrey Miles (Aubrey Sandel in real life) tungkol sa pagsali niya kamakailan lang sa Survivor Celebrity Edition. Mapanghamon at mapang-akit ang kagandahan niya nu’ng kanyang kabataan. Masasabi ng mga kelots na siya’y ‘bulaklak ng alindog’.  Anyways, nag-aral si Aubrey sa UST Conservatory of Music nag-‘major-major’ in voice at minor naman sa piano, at naging Ms. Caloocan, Ms. Ever Gotesco hanggang sa nakagawa siya ng walong pelikula sa Regal Films at naging host at singer.

Kailan lang, nakunan ito ng litrato habang nagbibihis sa locker room? Ingat na lang siya sa sarili nilang kasamahan, ‘di kaya? Well, kaya nga paliwanag ng bossing ng Pinoy Parazzi, bumibili lang naman kami ng litrato. Sa bagay, maraming sumikat na sa aming pahayagan sa ‘good or bad publicity’.

Heto ang umuusok naming tsikahan bago pa napili ang ‘Sole Survivor’.

Ah, congrats! Isa ka sa top 4, sa tingin mo mananalo ka? “Yes, of course gusto kong manalo. Ang tao ‘yun ang gusto naman talaga, eh. Since first day ng Survivor,  I said I want to win. I didn’t play for top 3, top 4. So, ‘yun ang goal ko. I really see myself here, play the game and I’m a fan since season one ng  Survivor US.”

Uhm! Because of stardom, money or what? “Actually, I’m a fan of Amazing Race, Fear Factor and Survivor. I joined Amazing Race four years ago.”

Pero naipapakita mo na although feminine ka kung paano magiging masculine? “Here!” (pointing to her brains). For me talaga i joined Survivor because I want to be part of the show, and also in my collections, I want to be a celebrity Survivor.”

Siyempre kayo-kayo lang eh, tini-tingnan mo si ganito, sasabihin mo ‘ah may hitsura rin pala ‘tong si ganito’, sasabihin naman nila ‘ah maganda rin pala si ganito’?

“Ah ako wala talaga akong intensiyon o planong tumingin, kasi ang pangit ko na, eh. Ang pangit na naming lahat, wala kaming toothbrush. Wala na kaming time para maging intimate, alam mo ‘yun?”

He-he-he! Parang hindi mo na iniisip na parang ang importante basta naglalaro ka?

“Nakakahiyang maging intimate ka pa eh, ‘yung hitsura mo naman…”

Oo nga naman! May nasaktan ka bang damdamin at nasaktan din ba ang damdamin mo?

“Ah, marami. Nasaktan din ako but I let go.”

What’s your plan after Survivor?

“Ang plan ko talaga, all the money for my kids.”

Ilan ang kids mo? “I have two kids.”

Well, bigyan natin ng chances itong si Aubrey Miles. Malay natin, kailangan ito ng kanyang kids. Sa tingin ko, magiging mahusay siya sa acting at hosting.

For comments and suggestions: call tel. no. (02) 3829838; e-mail: orobiakpp@yahoo.com, maestrorobiaparazzi@yahoo.com  or visit www.pinoyparazzi.com

Ito ang Larawan sa Canvas ni Maestro Orobia.

For comments and suggestions, e-mail: orobiakpp[at]yahoo.com and/ or maestrorobiaparazzi[at]yahoo.com.

ni Master Orobia

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.