Anak, Tinusok ng Ama, Patay

PINAGHAHANAP NA ng PNP sa Dingras, Ilocos Norte ang isang ama na sumaksak sa sariling anak na dahilan ng agarang pagkamatay ng biktima.

Nssawi habang ginagamot sa Gov Roque Ablan, Sr. Memorial Hospital ang anak na si Reggie Pascua, 38, may asawa at residente ng Brgy. Espiritu sa bayan ng Dingras matapos saksakin ng ama na si Wilfred Pascua, 56, residente rin sa naturang barangay.

Sinabi ni C/Insp. Ernesto Sadian, chief of police ng PNP Dingras na nangyari ang insidente dahil parehong nakainom ang mag-ama.

Samantala, dahil sa kalasingan, nagsisigaw ang ama at inawat naman ng anak ngunit nagalit ang salarin na dahilan ng pag-away nila ng biktima hanggang sa humantong ng pagkasaksak nito sa sariling anak.

Nagtamo ang biktima ng isang tama ng saksak sa kanyang dibdib.

Sa ngayon, iniha-handa na ng PNP Dingras ang kasong parricide laban sa suspek.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.