Anak, Tinaga ng Sariling Ama

SUGATAN ANG isang binata matapos itong tagain ng kanyang sariling ama sa bayan ng Sual sa Pangasinan kamakailan.

Nakilala ang biktima na si Edgar Ocaspablo habang ang amang suspek ay si Rogelio Ocaspablo, residente ng bayan ng Mangaldan.

Batay sa pagsisiyasat ng mga kinauukulan, habang ang biktima ay abala sa pag-luluto sa kanilang kusina, dumating ang kanyang ama na lango sa alak.

Nagkaroon sila ng mainitang pagtatalo hanggang sa bigla na lamang inundayan ng taga ng suspek ang kanyang sariling anak.

Agad namang itinakbo sa pagamutan ang biktima dahil sa tinamo nitong sugat sa kamay.

Samantala, nasa kustodiya na ng awtoridad ang suspek habang nakatakda na itong sampahan ng kaukulang kaso.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.