Anak sa Pamilyadong Lalaki, Kailangan Ding Suportahan

Dear Atty. Acosta,

 

MAYROON PO sana akong ikokonsulta tungkol sa pagkakaroon ng anak ng kaibigan ko sa lalaking may pamilya na. Gusto ko po sanang makahingi ng tulong para po maging regular na ang padala ng tatay ng bata sa kaibigan ko. May work naman po ang kaibigan ko, pero talagang hindi sapat ang kanyang kinikita dahil bukod sa upa sa bahay ay nag-aaral na rin ang bata. Kapag humihingi naman siya sa tatay ng bata ay galit pa ito sa kanya at sinasabing ibigay na lang sa kanya ang bata at siya na lang daw ang mag-aalaga. Kung sakali po bang mag-file ng kasong child support ang aking kaibigan, mananalo po ba siya?

 

Art

 

Dear Art,

 

SAPAGKAT HINDI mo nailahad na kinilala ang batang nabanggit sa iyong liham ng kanyang ama, ipagpapalagay naming siya ay kinilala nito. Kung magkaganun, may karapatang humingi ng suporta ang bata sa kanyang ama.

Sang-ayon sa batas, ang pagbibigay ng suporta ay obligasyon ng isang magulang sa kanyang anak, lehitimo man o hindi. Kabilang sa nasabing suporta ang pagbibigay sa mga pangunahing pangangailangan ng isang tao para siya ay mabuhay, katulad ng sustento para sa pagkain, tirahan, damit, gamot, edukasyon, transportasyon at iba pang pangunahing pangangailangan na hindi maaaring mawala para mabuhay (Articles 194 and 195, Family Code of the Philippines).

Ang halagang nararapat ibigay bilang suporta ay nakabase sa halagang kakailanganin ng humihingi ng suporta at ang kakayahang pampinansyal ng magbibigay nito (Article 201, Family Code of the Philippines).

Dahil sa kabila ng pagsusumamo ng iyong kaibigan na magbigay ng suporta ang ama ng kanyang anak at ito ay hindi pinagbigyan o halos walang ibinibigay, maaaring dumulog sa korte ang iyong kaibigan upang ang korte na ang pumilit sa ama ng bata na magbigay ng regular na suporta.

Maaari ring mapanagot ang ama ng bata, kung hindi siya magbibigay ng suporta, sa paglabag niya sa Republic Act (R.A.) No. 7610 o ang batas na naglalayong protektahan at isulong ang karapatan ng mga kabataan laban sa pang-aabuso, eksploytasyon at diskriminasyon. Sang-ayon sa naturang batas, ang hindi pagbibigay ng suporta o sustento ng isang tao na may obligasyong magbigay nito ay isang uri ng pang-aabuso sa isang bata o menor de edad na nangangailangan ng kanyang suporta at kapag ito ay napatunayan, ang taong hindi nagbigay ng suporta ay mapapatawan ng kaparusahang pagkakulong (Section 3(b) (3), R.A. No. 7610).

Isa ring paglabag sa Republic Act No. 9262 o ang “Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004” ang hindi pagbigay ng isang lalaki ng suporta sa kanyang mga anak at asawa o kinakasamang babae. Ito ay isang uri ng pang-aabuso na sinasaad ng nasabing bata, kung saan mahigpit itong ipinagbabawal. Ang mapatutunayang lumabag dito ay may kaukulan ding kaparusahan na pagkabilanggo.

Atorni First
By Atty. Persida Acosta

Related Post

loading...

7 thoughts on “Anak sa Pamilyadong Lalaki, Kailangan Ding Suportahan

  1. bilang isang may ari ng isang computer shop ano po ba ang karapatan ko? halimbawa po yung magulang susugod sa shop at sisigawan ang may ari dahil pinapaxok sa shop at nag online ang bata. ano po ang dapat kung gawin?

  2. Atty,gusto ko lang po itanong if ever katad ng sinabi nyo na pwede makasuhan or makulong ang ama na hindi sumusuporta sa anak.paano naman po kaya yung case na hindi alam nung lalaki na nabuntis nya yung babae kasi hindi pinaalam sa kanya hanggang manganak then wala yung name nung lalaki sa birth certificate ng bata pati apelyido ng bata sa nanay. Tapos after 9 years ngdedemand yung nanay ng bata na support daw sa tatay if hindi raw nagbigay yung tatay kakasuhan niya.may maikakaso po ba sa tatay nung bata if ganun yung sitwasyon.thanks

  3. May asawa ho ang ama ng anak ko, pwede ko bang malipat ang apelyido ng anak ko sa ama niya? Sinusupurtuhan niya po kami financially. Pero gusto ko sanang malipat ang apelyido ng anak ko sa ama niya. Pls help!

  4. tanung ko lng po kung kailangan ko pa po b gumamit ng atty. s pagpapabura ng pangalan ng anak ko s NSo? s pilipinas po pinanganak ang anak ko may pilipino passport cy dati pero nung naging japanese citizen cya nag changed dn po ng name ung anak ko,ngaun po japanese citizen nlng po cya at japanese passport na po..bale hnd n po cy pilipino. Sabi po skin ng atty. dto kailangan ko dw po ipa erase ung name ng anak ko s pilipinas. . paano b dapat ang gawin ko?

  5. Atty. Matanong ko lang po sana, magkano po ba ang bail ng nagkakaso ng violence against women and children (no support sa mga bata).? Gusto ko lang po kasing tulungan ang isang kaibigan. Salamat po

  6. dear atty.acosta;
    hiwalay po ako sa asawa at May nakarelasyon po ako; ang nakarelasyon ko po ay May asawa din;may kaibigan kami na nang hudas s Amin;habang nakikipagtalik po ako dun sa dati Kong boyfriend ay nag iwan cya ng cellphone para ma record ang aming usapan,,na record doon yong mga halinghing ko at nakarating na nga doon sa asawa ng dati kong boyfriend ,,kmi daw po ay ide demanda,,itinanggi ko po lahat at wala akong inamin,,,anu po Kaya ang pweding i kaso sa akin..Salamat po sa inyong tugon

  7. Gusto ko lang po sa magtanung kay atorni.kasi mo nakulong ang tatay ko dati sa munti at nakakilala ako duin ng lalake na siya nkalive in ko ilan taon..pero bago kami nag live in sinabi niya skin wala siyang asawa pero may 2siyang anak..huli na ng malaman ko po ito..at masakit pajan may anak n kami ngayon at kasal pala siya sa ina ng mga bata at masakit pajan sinabi niya 2 lang ang anak yun pala 3,anung kaso po ang pwedw isampa dto?

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.