Anak, Patay sa Kaarawan ng Ina

PATAY ANG isang binata matapos pagbabarilin ng dalawang lalaki habang nasa kalagitnaan ng pagsasaya sa selebrasyon ng kaarawan ng kanyang ina sa kanilang bahay sa kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Dead-on-the spot sanhi ng tama ng bala sa ‘di pa mabatid na kalibre ng baril sa ulo ang biktimang si Glenn Concepcion, 21, ng No. 115 Ana Bustamante St., 2nd Ave., Brgy. 43 ng nasabing lungsod.

Nakapiit naman sa detention cell ng Caloocan Police ang isa sa suspek na si Christian Navarez, 19, binata ng No. 4438 Gido 4, ng lungsod; habang nakatakas ang kasamahan nito na nakilala lamang sa alyas Layosa.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-9 ng gabi, masayang nagkakasiyahan ang biktima sa loob ng kanilang bahay kasama ang mga kaanak habang ipinagdiriwang ang kaarawan ng kanyang ina nang dumating ang mga suspek.

Dito, bigla na lamang pinagbabaril ng mga suspek ang bahay ng biktima at tinamaan sa ulo si Concepcion na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Matapos ang pamamaril, tumakas ang mga suspek subalit minalas si Navarez at nadakip ito ng mga rumespondeng pulis habang nakatakas si Layosa dala ang ginamit na baril.

Inaalam na ng pulisya ang motibo sa naturang krimen.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.