Anak, Patay; Ina, Sugatan sa Sunog

PATAY ANG apat na taong gulang na batang lalaki sa nangyaring sunog pasado ala-1:50 ng madaling-araw kahapon sa Brgy. Poblacion sa bayan ng La Paz, Agusan del Sur.

Lumalabas sa pagsisiyasat ng mga kinauukulan, nagsimula ang apoy nang mahulog ang lampara sa kahoy na sahig sa bahay ng isang Felipe Gilla, kung saan natutulog ang kanyang mag-inang sina Cherilyn Gilla at Gerry Gilla.

Nailigtas ng mga kapit-bahay si Cherilyn na nagtamo ng third degree burns at dinala na sa La Paz Municipal Hospital para magamot.

Ngunit hindi na nai-salba pa ang batang si Gerry dahil sa mabilis na pagkalat ng apoy.

Samantala, nadamay rin sa naturang sunog ang bahay ng isang Margarita Amado.

Sa ngayon, patuloy pa ring inaalam ng mga awtoridad ang kabuuang pinsala sa nasabing sunog. (PARAZZI

REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.