Anak, patay; ama, sugatan sa away sa parking lot

PATAY ANG binata habang sugatan ang tatay nito matapos pagsasaksakin ng isa sa mga nakatalo ng mga una sa parking lot sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Dead on arrival sa Manila Central University hospital sanhi ng mga saksak sa katawan si Moises Ivan Mendoza, 23 ng Claro M. Recto, Manila.

Ginagamot naman sa nasabing ospital sanhi ng tama ng saksak sa katawan si Moises Mendoza, 51 ng nasabing lugar.

Pinaghahanap naman ng mga pulis ang suspek na nakilala lang sa alyas na JR.

Batay sa ulat, alas-9:45 ng gabi, katalo ng mag-ama ang isang grupo sa parking lot sa Bartolome Cmpd., Sta. Quiteria ng lungsod.

Sumulpot ang suspek at walang salitang pinagsasaksak ang mag-ama bago tumakas habang dinala naman ang mga biktima sa MCU.

Inaalam na ng mga pulis ang pinag-ugatan ng nasabing insidente.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.