Parazzi Chikka: Anak ni Toni Rose Gayda, pumanaw na

Isang balita ang gumulantang sa mundo ng showbiz noong nakaraang Biyernes, Marso 19. Pumanaw ang bunsong anak ni Toni Rose Gayda na si Edward James Lim. Aksidenteng nahulog ito mula sa balkonahe ng kanilang unit sa isang condominium sa Mandaluyong City.

Lubos na naapektuhan ang kanyang lola na si Rosa Rosal. Ang nakakatandang kapatid na si John daw ang nag-text sa pamilya tungkol sa hindi inaasahang pangyayari. Agad na ipina-cremate ang mga labi ni Edward James noong hapon ding iyon at nagkaroon ng lamay sa Santuario de San Jose, Greenhills.

Ayon sa mga ulat na aming nakalap, lumabas daw si Edward James sa balkonahe ng kanilang unit para manigarilyo. Malamang ay napaupo ito sa railings at na-off balance. Pinabulaan naman ng pamilya ang mga malilisyosong balita na nag-suicide ang binata.

Matatandaang hindi ito ang kauna-unahang pagkakataon na may namatay sa ganitong klaseng aksidente. Noong 2003, pumanaw ang teen actor na si Miko Sotto nang mahulog ito mula sa ika-siyam na palabag ng kanilang condo unit sa Mandaluyong City.

Mula sa buong pamilya ng Pinoy Parazzi, ipinapaabot po namin ang lubos naming pakikiramay.

Parazzi Chikka
Parazzi News Service

loading...

2 thoughts on “Parazzi Chikka: Anak ni Toni Rose Gayda, pumanaw na

  1. akala ko ba tinulak daw ni angel si miko kaya nahulog sa kanyang condo sila daw kasi magkasama noong namatay si miko.. true ba itech?

    • mali ka!!!!!! c oyo boy sotto po kasama ni miko non time na yon. mas lalo naman na imposible na itinulak ni oyo cousin nya. its merely an accident…..

Leave a Reply

Your email address will not be published.