Hulicam: Anak ni Robin Padilla, hindi na makapag-deny

By Joey Sarmiento

Ilang buwan ding naging laman ng mga showbiz items ang diumano’y rumored romance ng dalaga ni Robin Padilla na si Queenie sa “Master Showman” co-host na si Peejay Valerio pero wala pa rin silang diretsahang pag-amin na ginagawa.

Pero ngayon, makapagde-deny pa rin kaya si Queenie sa isang litratong eksklusibong pinadala sa amin ng isang taong malapit sa kanilang dalawa na nagko-confirm ng kanilang tunay na relasyon?

Sa litratong ito, kitang-kita ang sweetness nina PJ at ni Queenie, na kung bibigyan namin ito ng kahulugan, walang duda, silang dalawa na nga ang mag-on!

Sabi sa amin ng isang source, nagkakilala ang dalawa nang pareho silang naging bisita sa isang modeling search ng isang kilalang damit at pagkatapos nu’n, sunud-sunod na raw ang kanilang pagde-date.

Paano kaya ito tatanggapin ni Robin ngayong magulo pa ang kanyang isip tungkol sa hiwalayan blues nila ng ina ni Queenie na si Liezel Sycangco? Matatanggap na kaya ng action star na dalaga na talaga ang kanyang anak at meron na itong boyfriend?

Maganda si Queenie at malakas ang appeal lalo na sa mga kalalakihan at sigurado, alam na alam ‘yon ni Binoe. Pero make-carry kaya ni Robin ang katotohanan kung sakali?

Just asking lang naman po dahil mahirap nang maburda ng buhay ni Joaquin, este, ni Robin… he-he-he!!!

loading...

3 thoughts on “Hulicam: Anak ni Robin Padilla, hindi na makapag-deny

Leave a Reply

Your email address will not be published.