Anak ni Piolo Pascual na si Iñigo, gagawa ng indie film!

GAGAWA PALA ng indie film ang nag-iisang anak ni Piolo Pascual na si Iñigo habang nagbabakasyon ito rito sa Pilipinas.

‘Yan ang balitang nasagap namin mula sa kaibigan ni Papa P at co-manager nina Sam Milby at Richard Poon na si Erickson Raymundo.

Baka makasama raw ni Iñigo ang baguhang artista na si Julian Estrada na anak nina Sen. Jinggoy at Precy Ejercito Estrada at apo ni Manila City mayor-elect Joseph Ejercito Estrada.

Isang bagets din na baguhang artista ang magiging leading lady ni Iñigo. Dahil sa baguhan din ay hindi namin maalala ang pangalan, hahaha!

 

SPEAKING OF Julian Estrada, marami talaga ang nagtatanong kung nililigawan nito si Julia Barretto o sila na nga ba.

Nu’ng Linggo raw sa ABS-CBN ay matiyagang naghihintay raw talaga ang binata sa dalagang anak nina Marjorie Barretto at Dennis Padilla sa labas ng dressing room.

Pero paano na kaya ang non-showbiz girl na napakaganda rin na anak ng kapatid ni Sen. Bong Revilla na si Bacoor Councilor-elect Rowena Bautista-Mendiola na ang alam namin ay may paghanga rin si Julian?

How true naman na hindi na kabilang si Julian bilang isa sa dalawang leading men ni Julia sa kanyang teleseryeng Cofradia?

Nagpa-audition na raw ng mga baguhang bagets na lalaki para sa dalawang makakatambal ng young actress.

Ang pagkakaalam namin ay limang guwapong binatilyo ang nag-audition at umarte kasama si julia sa harap ng  TV executive na si Deo Endrinal, kabilang ang Justine Bieber look-a-like na sumali sa ‘Kaloh-like’ contest ng It’s Showtime, at ang anak ng aktres na si Sherilyn Reyes.

 

NITONG LINGGO lang ay nag-umpisa na pala ang pictorial ng Star Magic talents para sa kanilang annual Star Magic catalogue na ginawa sa studios ng ABS-CBN. Although pailan-ilan pa lang ang kinukunan.

Ilan sa mga nai-pictorial na raw last Sunday ay sina Kim Chiu at Maja Salvador sa magkahiwalay na studio at magkaibang oras.

May nakapagsabi raw kay Maja na nasa kabilang studio ang dati nitong best friend at ex-girlfriend ng kanyang jowa ngayon na si gerald anderson.

Kinumusta naman daw ng aktres si kim sa kausap nito at sinabi pa raw na matagal na kaming hindi nagkakausap.

 

NAG-UMPISA NA nga last Monday morning ang ikalawang show ng bagong Kapuso star na si Christian Bautista na With A Smile kung saan kasama nito sina Mikael Daez at Andrea Torres, at sa direksyon ni Louie Ignacio.

Nag-umpisa na rin nu’ng Linggo lang ang Sunday All Stars na ipinalit sa Party Pilipinas ng GMA-7 na kinabibilangan din ng Asia’s romantic balladeer.

Unang acting project ni Christian ang nasabing serye na tila pangtapat ng siyete sa morning teleserye ng Dos na Be Careful With My Heart nina Jodi Sta. Maria at Richard Yap.

Mas mauuna lang umere sa umaga ang programa nina Christian, Andrea at Mikael kaysa kina Jodi at Rhard.

May kaba para kina christian pero naniniwala sila na siguradong kagigiliwan ng mga manonood ang kuwento ng serye, Lunes hanggang Biyernes, at kapupulutan pa ng mga aral.

Franz 2 U

by Francis Simeon

loading...

33 thoughts on “Anak ni Piolo Pascual na si Iñigo, gagawa ng indie film!

  1. Waaaaaaaa ang daming Inggetera at inggetero….NO,ONE NA DYAN CLA CRISTY AT ALFIE, NA PAREHONG DEVIL ANG UGALI !!

  2. invite niyo na lang si piolo nood ng MY HUSBANDS LOVER…love ko na talaga si papa tom rodriguez…

  3. ANG KAKAPAL NG MUKHA NG MGA MAPANG LAIT MAG COMMENT…KAWAWANG MAG AMA..PERO SINO BA ANG MA SWERTE , BLESS etc….SYEMPRE YONG MGA TAONG NILALAIT NYO.KAYA KAYONG MGA EPAL KARMA ANG BALIK SA INYONG LAHAT!!

  4. WELL, SANA NGA EH TRULILING MHIN ITONG SI INIGO. MAY PAGKAMALDITA, ESTE, MALDITO RIN KASI ANG BATANG ITECH. REMEMBER HIS TWEETS AGAINST KC 3 YRS AGO? SABI NIYA, “I hate KC Concepcion for my father…ask Piolo how much I hate KC. She ruined my vacation and our dad and son relationship. I hate her and never I will…” TAPOS, DINILETE NYA AT NAG-APOLOGIZE SI PAPA P. KAY KC AT SHAWIE. ANO SA TINGIN NYO? PURE JEALOUSY LANG BA YAN O SADYANG ECHOSERA, ECHOSERO LANG ANG BATA?

  5. in fairness naman may hitsu ang anak at piola at pwede huh! wag lang sanang magmana kay piola na alam nyo na, hehehe

    • Hanokavah putrizk anong hitsu pinagsasabi mo jan!! anyare sa taste mo? Muka syang male version ng betty la fea! Ang layo  naman nyan sa itsu ni papa P. infernez same sila ng lips and eyes pero chaka pa rin sya devah, ang gandara ni papa P.

  6. JUNAKIS BA TALAGA NI PAPA P SI INIGO? NAKOH, MAY CHIZMAX NA NANGGAGALING SA PASADENA, CALIFORNIA NA PAMPAMPKIN NYA TLG YAN. HMMMM…

    • Oo junakis nya yan si Inigo,, Mismong sa Matris ni Piolingling nabuo yang si Inigo. Reliable source from the spy of Alfie Lorenzo.

      • oo convinced nman ako na anak yan ni mama p. kc kitang kita nman na mgkamukha cla ng bagets…pra nga clang pinagbiyak na bunga mas makapal ngalang kilay ng bagets…dati kc nung dipa exposed yan medyo duda din ako na bka tru ung sinasabi ni alfonnga nadi nya anak yan…ampon lngdaw nya yan at anak ng broder  nya….pero ngaun dina madedeny na anak nga nya…at in fairness talented din ang bagets…nawats kosa utube at magaling din kumanta at sumayaw  like his dad…anyway akala koba di papayag c papa/mama p. na mg-artista yan hanggat di ngtatapos ng studies nya bkit ngaun bgla mg-aartista nrin….

      • Hahahhahahhaha.  Mag aartista din porke artista ang papa kuno. Kahit d pang artista itsura.  Wag mag ilusyon Inigo. Your fez is very normal lang at ala ka nmn itsura pra mag artista

  7. Totoo po yan na gagawa ng pelikula ang anak ni Piolingling sa Regal Films. Reliable source at Informer  ni Alfie Lorenzo na manager ni Judy Ann Panga-rap Santos ang may sabi. Ang Titulo ng Pelikula ay “ANG ANAK NG BADIDAY” Mismong si Pioling-ling ang gaganap na Ina este Ama pala ni Inigo sa pelikulang ito….Maawa na po kayo panoorin nyo. 

Leave a Reply

Your email address will not be published.