Anak ni Jose Manalo, nagtangkang magpakamatay

Jose-ManaloNAKAKALOKA NAMAN ang balitang gumulantang kahapon ng umaga! Nagtangka raw magpakamatay ang anak na babae ni Jose Manalo na si Ai.

Ito ‘yung anak niya sa asawang si Analyn na nakademandahan niya noon.

Hindi pa yata tapos ang isyu nila at ewan ko kung may kaso pa rin sila, pero ang alam ko hindi pa talaga sila okay.

Itong tangkang pagpapakamatay ng anak ni Jose, parang nakadududa kasi pinaalam agad sa media, ha!

Kung hindi ako nagkamali, nagtawag pa yata ang abogado ni Analyn sa mga reporters para ibalita ito para kumalat agad.

Kaya ewan ko kung ano talaga ng kuwento rito, ha?

Meron pa raw suicide note ang anak nito at ang dahilan ng ginawa niyang sucide attempt ay ang tatay raw niya.

Malaki raw ang pagkukulang sa kanila ng kanilang ama at hinahanap daw siya ng bunso niyang kapatid.

Hindi raw totoo ‘yung sinasabi ni Jose na mahal na mahal daw niya ang mga anak niya.

Pero ang pagkakaalam ko naman, hindi nagkukulang si Jose sa mga obligasyon sa mga anak niya. Medyo magulo lang yata talaga ang asawa niya, kaya siguro dapat na ayusin talaga ito ng Eat… Bulaga! co-host.

Anyway, sinusubukan pa rin ng Startalk na gawin ang kuwentong ito dahil tiyak na hindi magsasalita si Jose tungkol dito. Mas gusto niyang ayusin na lang ito nang tahimik.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

2 thoughts on “Anak ni Jose Manalo, nagtangkang magpakamatay

  1. Ang tatanda na dpt magtrabaho nkayo,indi yng antay lng kayo ng grasya lagi,wag maging tamad…nangangailangan lng ng pera ang Nanay nyo at kayo ginagamit pra magkapera lng,wag magpamanipula sa Nanay nyo wlang gawang matino yn.

Leave a Reply

Your email address will not be published.