Anak ni Jennylyn Mercado, gagawa ng commercial by Lolit Solis

ISANG TAON NA pala ang anak ni Jennylyn Mercado na si Alex Jazz na nag-celebrate ng first birthday niya nu’ng nakaraang Linggo.

Ang kuwento sa akin, may pa-party raw sila sa Fun Ranch sa Pasig pero talagang mga pamilya at malalapit na kaibigan lang daw ang nandu’n. Walang taga-showbiz na inimbita para hindi na magulo at hindi mag-leak sa media para kunan ito.

Bongga sina Jennylyn, nairaos nga nila ito nang walang nakalusot na paparazzi, ha! Mas gusto raw niya kasing tahimik lang at tingin ko riyan, para hindi na makarating kina Patrick Garcia.

Imagine, nakaisang taon nang hindi man lang nasilip ni Patrick ang anak niya?

Nu’ng Lunes naman, dinala ni Jennylyn ang anak niya sa GMA-7 at nagkagulo nga roon sa office ni Wilma Galvante dahil sobrang cute naman kasi ng baby.

Pakalat-kalat daw roon sa 7th floor ng GMA-7 kaya pinagkaguluhan ng mga nandu’n. Mabuti pa sila, na-enjoy na nila si Alex Jazz, si Patrick wa pa talaga.

Kapag tinatanong mo nga si Jennylyn kung meron bang ipinadalang birthday gift si Patrick sa anak nila, dedma talaga siya. Ayaw na raw niyang masira ang araw niya kapag si Patrick ang pinag-uusapan.

Ang dagdag pang kuwento sa akin, meron daw miting doon si Jennylyn tungkol sa anak niya dahil meron yatang inaayos na commercial para kay Alex Jazz. Kung matutuloy ito, roon na lang sa commercial makikita ni Patrick ang anak niya.

Isa sa mga ninong ng bagets na si Mark Herras ay nangakong ibibili raw niya ng birthday gift si Alex Jazz sa Amerika.

Pumuntang Los Angeles, California at Vancouver, Canada si Mark kasama si Katrina Halili para sa GMA Pinoy TV roon. Nangako si Mark na pagbalik niya ay dala na nito ang birthday gift niya sa inaanak.

NAKAKALOKA NAMAN ITONG si Rufa Mae Quinto na may drama pang kababayan daw niya at kababata niya itong bago niyang karelasyon ngayon, na nagbigay sa kanya ng lupa’t bahay sa San Francisco, California.

Parang ayoko naman yatang maniwala riyan! Matunog pa rin kung sino ang nag-give pero hindi naman natin masabi dahil siyempre dyokot ang mga bakla! Mahirap na, ‘di ba?

Napaka-influential naman kasi at kilalang tao kaya quiet na lang tayo at hayaan na lang natin si Rufa Mae sa deklarasyon niyang kababata niya ito. Puwede sigurong kababayan dahil ang alam ko, kapareho rin niyang Kapampangan, pero parang hindi naman yata kababata. Ewan ko lang, ha?!

Hintayin na lang natin kung dumating ang araw na maipakilala niya ito.

Hindi pa nito masagot nang maayos kung totoong worth 30 million pesos ng bahay. Pero nasa bonggang lugar eh, nakalimutan ko lang kung saan ‘yun, pero lugar ng mga mayayaman.

Naka-stay na nga raw roon si BB Gandanghari ng dalawang linggo at impressed na impressed daw ang bakla sa kabonggahan ng bahay nito. Naku! Makalkal ko nga ito kay BB!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

12 thoughts on “Anak ni Jennylyn Mercado, gagawa ng commercial by Lolit Solis

  1. naku 30mil pesos?sa los angeles? baka sa liblib na LA pwede pa..o kaya naman bungalow or townhouse lang..kasi sa totoo lang sa LA ung sis in law ko, her house is worth 500K $, 3 bed 2 1/2 bath lang un single story at malapit un sa may chinatown at sa mismong hollywood blvd.at oo nga baka 30 years to pay hehehehe!

  2. happy birthday baby aj
    ang cute-cute mo,sana paglaki mo kamukha ka na ng mommy mo..
    be a good son to your mother, madami na syang naisakripisyo sa yo and ung pagmamahal nya sa yo ay d matatawaran..

    never mind your father, if d ka nya maipaglaban sa family nya especially w/ her mother nandyan nman mommy mo..

  3. KUNG MAY REGALO MAN SI PATRICK SA BABY NYA EH DI SASABIHIN NI JENNYLYN KASI PARA PAG USAPAN NAMAN NG BAYAN.KULANG KC SA PUBLICITY SYA AT KUNG MAG AASTA AKALA MO KUNG SINONG MAY TATAK SA INDUSTRIYA EH PURO NAMAN CHEAP ROLES ANG NAPUPUNTA SA KANYA!BALANG ARAW MAWAWALAN KRIN NG PROJECT KAY PATRICK KRIN HIHINGI NG TULONG AT HUWAG KAY LOLIT KC BKA ISULAT KPA NIYAN NA ALA KNANG PERA.SI LOLIT PA NAMAN PAG MAY PERA KA BFF KYO PAG ALA KNA DATUNG BABU KNA.

  4. RUFA MAE’S HOUSE SA U.S. PINAGMAMALAKI NYA NA,AND I DONT THINK SHE PAID IT NAIN FULL. BKA NAMAN 30 YRS TO PAY PA YAN!AT ETONG SI LOLIT MAG RESEARCH KA MUNA HA!BIG DEAL NA AGAD SA ATIN ANG ISYUNG ETO STUPID WRITERS!

  5. BABY PLANG PINAPAGTRABAHO NA NG BABAENG ETO!GANUN NBA KA POOR SYA.HOY AKALA KBA AYAW MO MAGING PUBLIC FIGURE YANG ANAK MO!BWISIT KA!

  6. I guess you can afford it if you’re a high class h**ker and you set yourself up to the highest bidder. This woman seems to be really nice, but really cannot survive without a sugar daddy for long.

    And why is Ruffa Mae making a big deal about this SFO house? It’s $600K, for god’s sake. That’s nothing. The person below me who posted that it wasn’t exactly a high-end purchase is correct. Million-dollar houses are more the norm than an exception in SFO. It might be considered a large amount if you convert PhP to US$, but the standard of living in the US is vastly different from the Philippines, and $1 doesn’t go as far as it does here in the US than it does in Manila.

  7. Lolit. Do your research. 30 million na bahay sa San Francisco ay maliit at nasa lower to middle class neighborhood. Dahil ang 30 mill ay equivalent to approximately $600,000. lang. You need over a million dollars to be able to purchase a home in an upper end neighborhood although a million dollars may not be bonggang bongga. Hay naku. Ang kuwento, pag dating nang Pilipinas, na o over rated.

    • korek! at marami kamong na-foreclosed na bahay na malaki at maganda sa murang halaga. Pati nga mga car dealers dito sa america ay kung ano-ano ng pakulo ang ginagawa makabenta lang ng kotse. kaya lolit, ito na ang pagkakataon mo na bumili ng bahay dito, tutal narito naman ang anak mo di ba?

  8. So meron nga bang pinadalang regalo si Patrick? Di niya sinagot ang tanong…takot sigurong magkaroon ng simpatiya ang mga tao kay Patrick pag nalaman na meron nga. May pa-chuchu pa siyang “ayaw masira ang araw”. OA talaga.

Leave a Reply

Your email address will not be published.