Anak ni Gina Pareño na si Jannica Pareño, stage actress na rin

WOW, MATAPOS subukan ang teleserye at pelikula, stage actress na rin ngayon ang unica hija ng mahusay na aktres na si Ms. Gina Pareño na si Jannica Pareño!

Tuwang-tuwang ibinalita sa amin ni Tita Gina nang tumawag ito sa amin nu’ng isang gabi na kasama raw sa musical play na Sandosenang Sapatos ang kanyang anak na si Jannica bilang isa sa mga diwata ng sapatos na nagbibigay-saya sa pangarap ni Susie, ang pangalan ng character ng bida na batang babae.

“Si Susie ay ipinanganak na walang mga paa. Tungkol po ito sa pagmamahal ng ama sa kanyang anak. Itong musical play po na ito ay mula sa children’s book na isinulat ni Dr. Luis Gatmaitan,” kuwento ni Jannica sa amin.

“First time po akong kakanta sa boung buhay ko, dahil hindi ako marunong kumanta, hahaha! Utang na loob ko po ‘yun kay Sir Guy Simondac. Kasama rin po namin dito si Tessa Prieto-Valdes,” dagdag ng aktres.

Nagsimula ang pagtatanghal ng Sandosenang Sapatos sa Tanghalang Huseng Batute at the Cultural Center of the Philippines last July 13 lang at mapapanood pa rin bukas, July18, 19, 20 and 21 (2013) at 10 am and 3 pm.

Sa Sabado ay nakatakdang manood ni Tita Gina para magbigay-suporta kay Jannica.

Franz 2 U
by Francis Simeon

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.