Anak ni FPJ, bagong MTRCB chief

Itinalaga na ni Pangulong Noynoy Aquino ang adopted daughter ng nasirang action star at hari ng Pelikulang Pilipino na si Fernando Poe Jr. at aktres na si Susan Roces para panguluhan ang Movie and Television Review and Classification Board (MTCRB).

Si Grace Poe Lllamanzares ang papalit kay MTRCB chief Consaliza Laguardia, ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigal Valte kahapon.

Hinirang naman bilang MTRCB vice-chairman ang movie director na si Emmanuel Borlaza, batay sa ulat ni Valte sa kanyang interview sa dzRB.

Si Llamanzares ay qualified para sa nasabing posisyon dahil nakapagtrabaho na ito sa movie production outfit ng ama nito. Pahayag ni Valte.

“You don’t have to be in show business or be an actress to say that you have qualifications,” ani Valte.

Inihayag rin ni Valte ang pagkakahirang ni Jose Luis Gascon bilang board member ng Bases Conversion and Development Authority. Si Gascon ay nagsilbi bilang education undersecretary sa administrasyon ng dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo at director-general naman sa Liberal Party ni P-Noy.

Inanunsiyo rin ang retention ni Joseph Peter Sison bilang president ng National Mortgage Finance Corporation at Nestor Palabyab bilang deputy executive director ng Philippine Trade Training Center.

Ang mga hinirang kasama ang Commission on Elections ay exempted sa appointment ban sa loob ng election period para sa October 25 barangay at Sangguniang Kabataan elections.

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.