Anak ni Echiverri; Isa Pa, Kinasuhan sa Ombudsman

IPINAGHARAP NG KASO sa tanggapan ng Ombudsman ang anak ni Caloocan City Mayor Emrico “Recom” Echiverri na si  Coun. Ricojudge Echiverri, national president ng Liga ng mga Barangay; at Barangay Capt. Ruben Gatchalian dahil umano sa hayagang pagtanggi ng mga ito na magbigay ng kopya ng medical certificate sa ama ng isang barangay chairman na biktima ng food poisoning kamakailan sa isinagawang seminar sa isang motel sa Cebu City.

Ang nagharap ng kaso laban sa dalawang nasabing opisyal ng barangay ay si Retired P/Major Eliseo De Leon, ama ni Barangay Chairman Emmanuel S. De Leon, isa sa naging biktima ng pagkalason sa isinagawang seminar sa Regency Hotel and Restaurant sa Mactan, Cebu.

Base sa sinumpaang salaysay ni Maj. De Leon, noong nakalipas na Oktubre 18 – 20, 2011 ay naganap ang isang barangay seminar na ipinatawag umano ni Ricojudge Echiverri kung saan ang mga barangay chairman mula sa Zona 4 at 10 ang mga nagsidalo.

Noong umaga ng Oktubre 20 ay nag-almusal ang mga dumalo sa seminar at sa hindi inaasahan ay nalason umano ang ilang barangay chairman kung saan kabilang ang anak ni Maj. De Leon.

Dahil dito, humingi si Maj. De Leon ng kopya ng medical certificate ng kanyang anak kay barangay chairman Gatchalian para ipagharap ng kaso ang naturang hotel, subalit hayagang hindi ito binigyan ng kopya ng medical certificate.

Ang dalawang nasabing opisyal ng barangay ay ipinagharap ni Maj. De Leon ng kasong pagpabag sa Sec. 3f ng Republic Act 3019 at Sec. 5a ng Republic Act 6713.

(ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.